Perstaym (Crush)

21 1 0
                                    

"Sasabihin mo, "Hindi ah!" nang malakas at halos lumabas na ang vocal chords mo sa pagtutol."

++++++++++++++++++++++

Nung una syempre hindi ko pa alam na may crush na ako dun sa tao.

Mejo lagi ko lang siyang bukambibig. Hehe!

Trust me, ang unang tao na makakaalam na ikaw 'ga ay umiibig na ay ang ibang tao.

Hindi ikaw.

Bakit kako?

Kasi po ide-deny mo yan! Peksman! Mamatay man katabi ko. Eh he-he! wala pala akong katabi.

Kapag narinig mo sa ibang tao, sa kaibigan mo por eksampol, ang mga katagang "Uy crush mo siya 'no?"

Lagot ka. Aasarin kana niya lagi.

Syempre tulad ng sabi ko kanina, idi-deny mo yan.

Matik 'yun. Sasabihin mo, "Hindi ah!" nang malakas at halos lumabas na ang vocal chords mo sa pagtutol.

Kung meron mang umamin sa mga ganung scenario, malamang sa hindi, gusto niya lang matapos ang usapan o kaya hindi niya talaga crush yung tao.

Kasi ang tendency kapag inamin na ng taong yun ang feelings niya, wala ng thrill. Tapos ang istorya. Ang aabangan nalang, magiging sila ba o hindi.

Depende ang sabi ni Emily.

Hindi kana kikiligin.

Going back to my story, elementary ako nun este nasa mababang paaralan pa ako nun (kailangan daw ang wastong parirala - parirala talaga? Who uses that word nowadays? He-he! ME.) nang una kong masilayan ang unang lalaking nagpatibok ng aking puso.

Si Oneil.

Ganda ng pangalan niya nuh? Pero a.k.a. Jack.

Hindi ko alam kung papaanong naging Jack. Eh ang layo naman ng Oneil sa Jack.

In the first place walang letrang "a" ang kanyang pangalan.

Kahit nga ako, Jack din tawag ko sa kanya. Noon. Nung hindi ko pa alam ang totoo niyang pangalan.

Nalaman ko ang name niya, syempre tiningnan ko ang kanyang kwaderno. Halaaaaa???? Kwaderno talaga? Baka mahalata ng reader na masyado naman akong makaluma.

Binubuhay ko laang po ang wikang Filipino. Nag-explain pa? Para namang kailangan.

Notebook po 'yun para sa mga nagugulumihanan (ang lalim). Hehe.

Ayon na nga, palihim kong kinuha ang notebook niya well, para sana maglagay ng note or something alam niyo naman kapag crush mo ang tao lahat sa kanya aalamin mo.

Or something ata ang nailagay ko kasi wala pala akong note that time.

Doon ko nalaman na ampangit pala ng sulat-kamay niya (in english, penmanship, antaray!) Ang tawag ng aming guro sa ganung uri ng penmanship ay The Doctor's Signature.

Hindi rin kumpleto ang notes niya. Hindi man kami magkaklase, nasa lower section siya at ako naman ay nasa lowest, joke lang! higher syempre - alam kung hindi kumpleto notes niya.

Halimbawa, ang notes niya sa science ay tungkol sa planets hanggang Uranus lang ang naabot niyang kopyahin. Bakit kailangang kumopya kung may libro naman? Hello? Ask that to DepEd. Uso pa noon ang two is to one ratio ng pupils sa libro. Good thing tig-iisa kami. If you went to a private school back then hindi ka makaka-relate because you buy your own books, correct me if I'm wrong.

Meron naman sa English, Figure of Speech ang topic, hanggang Oximoron lang ang kanyang nakayanan.

Napakasipag na bata.

Ilan lamang 'yan sa mga natatandaan ko. Truely, first love lasts a lifetime.

Magkaganoon man, crush ko parin siya. Ewan ko kung bakit. Bakit nga ba?

Jack was not the most handsome in our school but he has quiet a name on sports specially running, long jump, high jump to name such. Lagi siyang pambato ng school namin sa mga ganung larangan.

Napagtanto ko na ang isang tao nagka crush hindi dahil sa mukha kundi sa personality. Oh ayan sa mga mejo-mejo lang ang hitsura jan, words of encouragement 'yan sa inyo.

Totoo, kasi kahit anong hitsura ng crush mo o love mo, para sa'yo siya na ang pinaka. Seryoso. Pinaka pogi, pinaka maganda kasi wala kang ibang nakikita kundi siya lang.

And that's when I realized, I had a big crush on him.

Because he's the apple, orange, strawberry, banana of my eyes. That time.

Kung tatanungin naman ako kung naging kami that time, hindi ang sagot ko.

Kasi, bata pa kami nun, imagine elementary palaang kami mag-on na? Baka mag-rally ang mga magulang namin nun.

Hindi niya na rin nalaman untill now na naging crush ko siya.

Hindi narin ako umamin. Para ano pa? Pero he's a very important person for me kasi sa kanya ko unang naramdaman yung "paghanga". And I think that's the purest kasi hindi kapa bias eh, basta you like him the way he was period.

Kapag malaki kana kasi, mejo choosy kana. Aminin!

Today, kapag nakikita ko siya, hindi ko alam kung saang banda ako nagkagusto sa kanya. Parang ayaw ng bituka ko na tanggapin that I've had a crush on that guy once.

I remember the boy but I don't remember the feelings anymore ayon sa kanta.

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon