CHAPTER 1
"Hoy! Ano ba? Ang tagal mo d'yan. Baka balak mo ng bumaba? Palong-palo na ba ang nguso dahil sa lipstick?", sigaw ng kuya kong boldstar. Bakit boldstar? Wala kasing damit lagi, halos boxer shorts lang ang suot nyan ARAW ARAW pag nandito sa bahay. Naiisip ko nga e, 99.9% hindi yun nagbi-brief.
"Teka lang!! Nawawala yung puti kong medyas!!", pero ang totoo wala akong medyas na puti. Puro black. Tamad kasi ako maglaba, hehe.
"Ay hayop kang bading ka! Wag ka na magmedyas! Hahaba na pila!", inis na sigaw nya. "Pag ako nabwisit, magpapaenroll ka mag-isa!"
Ayun, dahil sa alam kong hindi nagbibiro ang gorilyang yun. Bumaba na ko ng hindi nagmemedyas..
Oo nga pala, ako si Theodore. Argh, i hate my name. Pakiramdam ko napaka-old school para sa edad kong 18. Kaya i decided na create a pet name na medyo modern. Kaya ang naging tawag nila sa'kin e Snow. Pero wag mong isiping kasingputi ako ng snow, haha. Kasi ang totoo, kabaliktaran. Pinoy na pinoy ang kulay ko. Height na parang poste ng Meralco (yan ang sabi ng mga kakilala kong 120/acting kasi mga pinagkaitan ng taas), medium built na katawan, i think nasa 59kg ako at kung sa mukha naman e, hindi tayo papatalo kela Daniel Padilla yun nga lang e, nagmumukha akong chicks. Dahil na rin daw sa saksakan ako ng cute (walang halong biro). Ayan, bading tuloy ang tawag sakin ng kuya kong pornstar wannabe, haha. Palibhasa mas may hitsura ako kaysa sa kanya. Pero hindi ah, straight to.
He's the reason for the teardrops on my guitar. The only...
"Ayos ringtone mo tol ah. Pang-chicks. Haha.", pang-aasar ni kuya. Naglalakad lang kami papunta sa pinapasukan kong eskwelahan.
Nagitla ako sa cp ko. Asar. Bakit ito ringtone ko? Ang babaeng yun! Pinakialaman na naman ang cellphone ko. "Oh pre, napatawag?"
"Haha, ang ganda ng endearment nyo ng Fafa mo ah. Pre? Ano yan para hindi halata?", bahagya pang nilamyaan ni gorilya ang boses nya at animo'y isang bakla.
"Sino yun, Snow?", sabi ng kausap ko sa kabilang linya. "Ahh, si Kuya Terence. Inatake na naman ng pagka-abnoy. Nakalimutan turukan ng insulin ni Mildred e."
"Tol dyan ka nagkakamali. Hindi ako ang tinuturukan, ako ang nagtuturok. Tanong mo kay Babe kung gano nya kagustong tinuturukan, hahahahaha", singit ni kuya. Sinadya nyang lakasan ang boses nya para marinig ng kausap ko.
Tinignan ko ng masama si Kuya. Umaandar na naman ang pagka-moron nya. Gusto ko syang saktan. Promise. "Wag mo na lang pansinin si kuya Pre. Oh maiba tayo Arnold, ano bang itinawag mo ha?"
"Ah e, sama ka mamaya? Pupunta kami nila Ron sa tambayan. Chill daw tayo since minsan na lang tayo magkita kita." Si Arnold, High School Classmate at isa sa mga tropa ko.
"Ah sige ba. Sasama ako ng makapag-bawas man lng ng kulubot ng mukha dahil sa stress," sabay lingon sa kuya kong may tama sa ulo.
"Ito ba ang stress?,"nag-pogi sign pa sya. Na akala mo bumagay. Masyado talaga syang immature kala mo hindi 22 years old.
"Oh sige pre. Bye na, ill deal with this mongoloid muna,"inend ko na yung call at naglakad na. Hindi ko na lang pinansin ang kasama kong five years old. Grabe, kung hindi lang ito nagpapaaral sa'kin. Nilayasan ko na to e.
Andito na rin sa school sa wakas. Maaga pa naman at hindi pa gaanong kadami ang mga studyante at stupidyante. Oo, may mga stupidyante dito, puro pakulo lang ang alam. Mga trying hard magpaganda at magpagwapo. Yung mga lalaki, kalahating gwapo kalahating guni-guni. Yung mga babae naman kalahating tao, kalahating kolorete.
"Yow Snow."
"Hi Trixie," ganting bati ko. Si Trixie, isa sa mga, hmm matatawag kong fans ko. Haha, oo meron ako nyan. Ayaw lang nila maging pa-obvious. Napaka-bait nyan ni Trixie, SA AKIN LANG. Kung ano-ano mga binibigay sakin na syempre hindi ko tinatanggap yung IBA. Hahaha. And besides, Trixie is not a girl. He's a gay. You heard it right, he is. I hate gay ideas bringing themselves Girly names. It's gross and it sucks. Pero syempre, hindi ko pinahahalata ang disgust ko sa mga katulad nya. Ayaw kong masira dito sa school.