Ako.
Ako yung klase nang babae na humihiling na makapag bago ng isang tulad mo.
Simple, childish at parang imposible pero,
Pag nagawa ko siguradong sasaya ako.
Simpleng pangarap ng kamihan,
Ngunit may malaking epekto sa kanilang nararamdaman.Ikaw.
Ikaw yung tipo ng lalaki na,
Sa unang tingin ko palang nalaman ko na.
Nalaman ko kung anong ugali meron ka,
Na tila bang matagal na kitang kilala.Ikaw.
Ikaw yung tipong, mayabang
Yung tipong gwapo pero madaming bisyo
Mukhang maginoo ngunit walang modo
Ikaw yung tipong hinahangaan kahit na ganyan
At tinitilian ng karamihan.Ikaw.
Ikaw yung taong nag patibok ng puso ko.
Yung lalaking perpekto para sa pangarap ko.
Parang tanga oo
Pero, gusto kitang mag bago
Gusto kong maging dahilan ng pag babago mo.Ako,
Ako yung napansin mo
Sa dinami dami ng tao, ako yung napili mo
Masaya ko kase ikaw yung pangarap ko
Tapos ngayon unti unti ko nang na aabotAko
Ako yung tipong nang babae na strikto
Bawal ganito, bawal ganyan
Itigil mo yan, itigil mo yun
Gawin mo to, gawin mo yan
Mahigpit ako pag dating sayo
Gusto kita magbagoPero ako,
Oo ako, mali ako
Gusto kitang magbago para sa sarili ko
Pasensya dahil di ko inisip yung nararamdaman mo
Kung saan mo gusto
Kung ano yung nag papasaya sayo
Mahigpit ako masyado
Hanggang sa na realize moIkaw
Oo ikaw.
Narealize mo yung kagagahan ko
At katangahan ko
Na realize mo na hindi ito yung gusto mo
Na realize mo na oo gusto kitang mag bago para sa ikabubuti moPero ako?
Ako.
Sumobra ako.
Masyado kong nahigpitan ang pag kakatali ko sayo
Hanggang sa tuluyan ka nang nag bago.
Nag bago yung nararamdaman at iniwan ako.Minsan, intindihin din naten yung nararamdaman ng iba hindi yung puro tayo na lang ang masaya.