03

38 4 0
                                    


Hyperventilating

ANG sarap umiyak pero pinigilan ko lamang ang sarili ko dahil nasa loob pa ako ng classroom. Ewan ko kung bakit. Ganito siguro talaga yung sinasabi nila na kapag hindi ka okay at kapag may oras na wala namang dapat kaiyak-iyak ay do'n mo mararamdaman na gusto mong umiyak.



"Ms. Ang... zero? How come?" puna ng professor namin.



"Hindi po nakapag-study in advance," tugon ko sa mahinang boses.



"Set aside your problem when it comes to studying. Isa ka pa naman sa paborito kong estudyante at hindi ko gugustuhing makitang bumababa ang grades mo. Sana consistent ka pa rin ngayong semester."



I slowly nodded.



Pagkatapos ng pangalawang klase ay dumiretso na ako sa library. Kahit gutom ay mas gusto kong busugin ang utak ko kaysa sa tiyan ko. Luckily, our next instructor isn't available. Kaya mahaba rin ang oras na makakapag-study ako.



Nang sumakit na ang mata ko sa kakabasa ay ibinalik ko na ang libro. Nagpunta muna ako sa pinakasulok ng library at inorasan ang sarili na umiyak. Somehow it's okay to burst out your emotion.



Nang mag-ring na ang timer ng cellphone ko ay mabilis kong pinahiran ng panyo ang malagkit kong pisngi. Napabuntong-hininga ako at agad na inayos ang sarili.



Nagtungo muna ako sa malapit na restroom upang makita ang repleksyon ng sarili. I used liptint and dried my face by putting a powder on it.



Agad kong kinuha sa bulsa ang cellphone nang bigla itong tumunog. But my eyes widened in shock when I saw who called me. Si Denson, my foreigner boyfriend.



Nakakapagtaka kung bakit ito tumatawag ngayon e kabaligtaran naman ang oras dito sa bansang kinaroroonan nito. Kaya dapat ay tulog pa ito dahil malalim na gabi pa ang oras do'n.



Inisa-isa kong tiningnan ang cubicle at baka may tao pala. I locked the door and answered the call.



"Denson, what's wrong? Why are you still awake at this exact time?"



Napangiwi pa ako dahil sa pagiging malambing ng boses ko.



"You forgot to video chat me yesterday, darling. Are you busy or you're doing some nonsense stuffs?"



Napataas na lamang ako ng kilay. Bigla akong tinubuan ng inis. Isa sa pinakaayaw kong pag-uugali ni Denson ay ang pagiging seloso nito. Palagi na lang duda nang duda. I'm even starting to feel worried and scared because it's like he's already obsessed to me.



Naiintindihan ko naman kasi girlfriend ako nito kaya natural lamang na magduda ito lalo na't long distance relationship kami. Pero hindi porke't nakakatanggap ako ng pera galing sa kanya ay dapat lahat na lamang ng oras ay siya ang palaging aatupagin ko.



Syempre may oras rin na wala akong pahinga at kailangan kong matulog ng maaga para hindi na naman mapuyat. Pero si Denson kasi ay gusto nito na gabi-gabi kaming magkausap. At kapag hindi lang matawagan ng isang gabi ay kung ano-ano na lamang ang pinagbibintang nito.



"I slept early yesterday night," walang ganang sagot ko.



"Really? Or maybe you're up so late because you're partying?" patuloy na pambibintang nito.



Napahugot ako ng malalim na hininga. Magkapera lang ako, I swear ibabalik ko agad ang perang pinapadala nito sa amin. Hindi pa nga ako nakakapasok kahit isang beses sa loob ng bar, tapos pagbibintangan pa ako na isa akong party girl?



Wail of DanceWhere stories live. Discover now