"Hindi ! Hindi po ako yung may gawa nyan"
Yan lang yung sinsabi ko. Nandito ako sa prisinto at inaakusahan sa kasalanang ako daw ang gumawa !
.
.
Nakapatay daw ako :3
Ganito kasi yun
FLASHBACK
Nandito ako ngayon sa school to be exact nasa tapat ng pintuan ng room namin.
Hinihintay ko kase yung crush ko ay hindi mahal ko na yata.
Hinihintay ko si Roevil. Ako nga pala si Maecaella Xelline Llorente
Lagi ko syang hinihintay dito para sabay kami pauwi. Hindi man literal. Atleast kasabay ko parin.
Bakit kaya hanggang ngayon wala parin sya?
"Tulong!! Tulong!"
Tinignan ko yung paligid ko wala ng tao!
Natatakot pa naman ako. Pero pinuntuhan ko parin yung boses na nanggagaling sa dulo ng corridor. May nakita akong babae na duguan O.o. My God! Kinalabahan ako.
"Tulong! Tulong" - sabi ng babae
Nang lalapitan ko na sya. Biglang dumating ang mga pulis.
"Waaaaaaah! Hindi ko po kasalanan yan. Wala po akong ginagawang mali. Inosente po ako." Yan agad ang ma salitang lumabas sa bibig ko. Tapos dinala na nila ako.
End of FLASHBACK
Kaya ako nandito sa presinto. Hindi ko alam kung bakit at mukhang pamilyar yung mukha nung pulis hindi ko kasi makita kasi madilim at bahagyang nakatalikod sya sa akin.
"Anong ginawa mo? " Tanong nya
"W-wala po!"
"Anong wala?!! Umamin ka na! ANONG GINAWA MO?"
natakot na ako sa pagsigaw nya "W-wala p-po t-talaga" putol putol na sabi ko
"Hindi po ako yung pumatay. Maniwala po kayo sakin" umiiyak na sabi ko.
Natatakot na talaga ako sa mga oras na to! Nagsisisi na ako dapat hindi nalang ako nagpunta doon. Huhuhuhu :( nasa huli talaga ang pagsisisi pero gusto ko na talagang umuwi.
"Wala kang ginawa? Hindi ikaw yung pumatay?" Tanong nya sa akin
"O---" naputol yung sasabihin ko dahil hindi pa pala sya tapos magsalita.
"Ehh bakit patay na patay ang puso ko sayo?"
Huh? Nagulat ako nung sinabi nya yun. At mas nagulat ako ng tuluyan syang humarap sa akin. SYAA YUNG HINIHINTAY KO. SYA YUNG CRUSH KO AYYYY! MAHAL NA YATA. AT SYA RIN YUNG NAG PANGGAP NA MAMANG PULIS.
Hindi ko alam kung ano yung irereact ko. Sobrang nashock ako sa mga pangyayari. Parang kanina lang takot na takot ako pero ngayon hindi ko na ma explain yung nararamdaman ko.
"Hoy! Bakit natulala ka na dyan?" Sabi nya
"Natakot ako kanina" sagot ko
"Pero mas nakakatakot kapag nawala ka. Hindi mo lang napapansin na matagal na kitang gusto pero sorry kasi ngayon ko lang nasabi sayo ang feelings ko sayo."
Magsasalita na sana ako ng bigla nya akong binatukan. Ay joke! Hinalikan nya ako. At sa halik na yun masasabi kong the feelings are mutual.
A/N: Pero walang forever. Forever is just a word na makikita lamang sa dictionary. Pero may LIFETIME! XD
BINABASA MO ANG
Walang Title XD [shortstory]
Short StoryA/N : mema lang po ito ^^ hahahahaha! hopialaykit