ABMBU Chapter 6: THE CHOICE

6 0 0
                                    


       Hindi mapakali si Raffy habang hawak hawak niya sa kanyang kamay ang kanyang cellphone habang iniisip niya kung sino ang kakatok at magdodoorbell sa gate. Hanggang sa narinig niya ang doorbell sa labas at nang sumilip siya sa labas ng gate mula sa kwarto niya sa second floor ay tanaw na tanaw niya ang tao sa labas at nakita niya ang isang kotseng itim.

    Bigla naman sumigaw ang yaya niya na nagsasabing.

   “Ma’am Raffe, may naghahanap pos a inyo sa labas eh. Abay napakagwapo hoh! Mukhang mabango papo ma’am eh, may dala dala pa hoh plawers eh.papapasuken ko hoh ba ma’am?” tanong pa niya.

    “no, no, no! yaya wag. Pakisabi nalang po bababa na ako.” Saway naman ni Raffy.

   Hindi alam ni Raffy ang gagawin kung kaya’t bumaba nalang siya para harapin ang taong nasa baba. Pag baba niya ay tumungo siya kaagad sa may gate at binuksan niya ito.

      Laking gulat ni Raffy dahil nang buksan niya ang gate ay nakita na ang isang lalaki ngunit hindi ito si Tim kundi si Dave.si dave ang uang lalaking nagpatibok ng puso ni Raffy ngunit nagawa niya itong lokohin at ipagpalit sa mas mayaman sa kanya. Nabuntis niya yung babaeng ipinalit niya kay Raffy kung kaya’t nagparaya si Raffy para hindi kawawa yung maggiging anak nito dahil alam niyang siya ang pipiliin ni Dave.

   “Dave, anong ginagawa mo dito?” tanong nito raffy dito at  tumingin sa paligid upang tignan kung naroon na si Tim. Ngunit bigo siyang Makita ito.

   “Love, I came here to say sorry. Can you give me another chance?” pakiusap niya pa kay Raffy ngunit napailing nalang si Raffy at sinabing

    “Dave, we already talk about this before, ayokong lumaki yung bata na walang ama and besides I already moved on kaya please leave me alone.” Sabi ni Raffy ditto at akmang isasara ang gate ngunit pinigilan siya nito. Sinabi pa nito na,

   “Okay fine, pero pwede kaba sumama sakin I just want to cherish every moment bago manlang tayo tuluyang magkahiwalay. Please!” pakiusap pa ni Dave kay Raffy.

   “Okay fine. But please I hope this would be the last” sabi naman ni raffy at sa sobrang tuwa ni Dave ay niyakap niya ito.

    Hindi nila napansin ang pagdating ni Tim at nasaksihan nito ang pagyakap ni Dave kay Raffy. Nang maalis ang pagkakayakap ay saka lang nila nakita si Tim.

  “Tim?! Wait let me explain…” hindi pa tapos sabihin ni Raffy ay sumagot na agad si Tim.

  “No, Raffy don’t be sorry. Hindi ko kasi alam na huli na pala ako. Kaya pala siguro nawala ka ng isang buwan. Sorry guys, for disturbing you. I think I have to go.” Sabi Tim ng may pilit na ngiti sa kanyang labi. Sabay tumalikod ngunit hinila ni Raffy yung kamay niya ngunit tinanggal parin ito ni Tim.

   Tuluyan ng umalis si tim habang umiiyak paalis ng bahay nila Raffy. Hindi niya maintindihan dahil ngayon lang siya nakaramdam ng ganung pakiramdam. Lalo na sa isang babaeng dati’y ayaw na ayaw niya. Nagtungo siya sa eskwelahan para pumasok.

   Sa kabilang dako naman ay nagtuloy umalis si Raffy at Dave. Hindi kumikibo si Raffy habang daan, nakatingin lang siya sa bintana habang nakatingin sa kawalan. Nag iisip ng malalim. Napapansin na ito ni Dave ngunit hindi parin ito kumikibo.

   Nang makarating sila sa Resturant na paborito nilang kainan nung sila pa. hindi parin kumikibo si raffy kahit na nasa loob na sila ng Resturant. Kung kayat si dave na ang umorder ng kakainin nila. Umorder siya ng paboritong pagkain ni Raff yang Carbonara, ngunit dumating na ang order nila pero di parin nag sasalita si Raffy.

   “Raf, let us eat” wika ni Dave at akmang hahawakan niya ang kamay ni Raffy ngunit tinangal niya ito bigla.  Biglang nagsalita si Raffy.

   “I’m sorry Dave, but I think mali ito. May pamilya kana at may sariling buhay. I think we should end up here..” wika ni Raffy kay Dave.

   “..At may sarli na akong buhay ngayon.. at higit sa lahat may mahal na ako iba” pakiusap pa ni Raffy kay Dave habang nakatingin ito sa baba at umiiyak.
Hindi naman matiis ni Dave si Raffy, kung kaya’t nagwika ito.

   “Wala ka dapat ihingi ng tawad Raf, ako lang naman talaga yung mapilit. Tama ka Raf, we should end up here. Tatandaan mo na mahal na mahal kita at gusto ko maging Masaya ka. Thank you for everything. I’m setting you free Raf.” Wika nito habang umiiyak.

   “Thank you so much Dave.. I really have to go. Hahabulin ko pa yung mahal ko eh.” Wika ni Raffy at agad itong umalis at sumakay sa Taxi.
Nagpahatid ito sa eskwelahan ngunit bago yun ay dumaan siya sa mag Store para bumili ng ipanreregalo niya at peace-offering kay Tim.
Pagkatapos ay agad na siyang nagtungo sa school. Tinawagan niya kaagad si Sammy para tulungan siya sa plano niyang surpresa.pumayag naman agad ito.

     Makaraan ang higit isang oras ng pagpreprepare ng surpresa ay tinaag na nila si Tim sa gym.
Agad namang pumunta si Tim sa gym upang tignan ang sinasabi nilang naglalaro. Pagkarating ni Tim sa gym ay marami siyang nakitang nagkalat na red rose petals. May nakasulat rinse mga placards nagsasabing “I’M SORRY” hawak hawak ito ng kanya mga kagrupo sa Gang at sa tabi ay may mascot ng malaking teddy bear. Nangtanggalin ng mascot ang ulo niya ay nakita ni Tim si Raffy.
Kumuha si Raffy ng mic at nagsalita,

    “Babyboy, Im sorry maling mali yung nakita mo. At lalong maling mali yung iniisp mo na may mahal akong iab, .. dahil alam mo naman na ikaw lang yung mahal ko diba.. nagpakalayo layo ako sayo at di nagpakita sa pag aakalang trip mo lang ako… o talagang gusto mo lang ako asarin.. pero para sakin kasi totoo uyung nararamdaman ko. At sigurado ako na mahal kita.” Wika ni Raffy.
Hindi na nakapagsalita si tim at bigla siyang tumalikod. Nanghahabulin siya ni Raffy ay bigla itong nadulas.
    Nauntog ang ulo niya sa sahig. Sa takot ni Tim ay bigla itong patakbong lumapit.kabang kaba siya. Umiiyak na siya nang biglang magsalita si Raffy,

  “Wag kang umiyak buhay pako, tatakbuhan mo pa kasi ako eh.”

   “ano ka ba hindi ka kasi nag iingat. Hindi naman kita tatakbuhan eh. Kukunin ko lang yung flower na binili ko para sayo. Atsaka hindi mo naman na kailangan ng ganito kabonggang surprise. Sorry mo lang at paliwanag okay na ko eh. Matitiis ba naman kita. Eh babygirl kita” wika niya habang kandong kandong niya ang ulo ni Raffy.

   “Ganun ba. Edi pinapatawad mona ako?” sabi Raffy at bumangon na ito.

   “Syempre, oo, mahal kita eh.” Sambit naman nito.
Niyakap siya ni Tim at biglang lumuhod sa harap niya sabay sabing.

   “Rafaela Miracle Perez, my babygirl at ang milagro ng buhay ko. Pwede nab a kita maging girlfriend? For real?” wika niya kay Raffy sabay labas ng singsing sa bulsa niya.

   “Hihindi pa ba ako. Babyboy” sagot naman nito sabay. Yakap..  Hindi makapaniwala si Tim na magiging sila ni Raffy.

   Sino ba namang mag aakalang na ang laalking kinaiinisan mo ay magiging boyfriend mona. For real!  Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng oras nay un. Abangan sa susunod na kabanata.

A Billion Miles between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon