Chapter 15

137 4 0
                                    

Chapter 15

Ronnie’s POV

Ang sakit. Bakit ba ako umiiyak sa walang kwentang lalaking iyon ha?! Walang kwenta, walang modo, walang utang na loob!

Hanggang dito sa bahay ay nagbabasag pa rin ako ng gamit. Pati yung mga trophy ko, binasag ko rin. Iniisip ko na bawat bagay na hinahagis ko ay sana tumama kay Suho.

Ilang oras na paulit-ulit lang ang ginagawa ko. Nang nagsawa na ako kakabato, umiyak nalang ako sa isang sulok habang nakayakap sa tuhod ko.

Patuloy sa pagtulo ang luha ko. Hindi ito tumitigil. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

Nagising ako sa pitik sa ilong ko.

“Yah! Ano bang problema mo ha?!”- sigaw ko

“Magpapa-ulcer ka ba? Kumain ka naman!”- Jihoon

“Anak, Jihoon. Hayaan mo muna ang ate mo. Nakita mo na ngang broken hearted.”- Umma

“Pfft.”- nagpipigil na tawa ni Jihoon

“Wag ka tumawa-tawa diyan! Tatadyakan kita sa mukha!”- ako

“Umma oh!”- Jihoon

Napailing lang si Umma at hinaplos ang buhok ko.

“Sabi ko naman kasi sayo. Kung maaari, control your feelings muna. Sa panahon ngayon, mahirap maghanap ng matinong love life.”- Umma

“Eh Umma. Di ko naman siya sinagot eh.”- ako

“Pero malapit na dapat!”- sabat ni Jihoon

Tinignan ko siya ng masama.

“Anak, next week na ang graduation niyo. Anong course ang kukunin mo?”- Umma

“Ha? Eh Umma, diba mag-aartista na si Noona? Paano siya makaka-aral?”- Jihoon

“Matalino ang noona mo. Kaya niyang habulin ang mga lessons niya.”- Umma

“Medicine.”- ako

“Ha? Eh kakainom mo lang ng gamot Noona eh.”- Jihoon

“Pabo. Medicine ang kukunin kong course. Gusto kong maging doctor.”- ako

“Masyadong mahirap naman isabay yun sa career.”- Umma

“Kayo na rin po ang nagsabi na kaya kong humabol sa lessons diba? Sige na po, Umma.”- ako

Habang nakikipagpilitan ako kay Umma ay binuksan ni Jihoon ang TV.

“Woah. Ang gaganda talaga ng Apink.”- Jihoon

Dahil sa sinabi niya na iyon, napatingin ako sa TV. Oo nga, ang ganda nila lalo ngayon.

“Sige na nga, anak.”- Umma

Napalingon ako kay Umma. Nakangiti siya sa akin.

“Salamat po! You’re the best.”- ako

“Basta promise me one thing!”- Umma

“Hmm? Ano po yun?”- ako

“Wag ka na ulit iiyak over him, okay? Move on.”- Umma

Nagpout lang ako saka tumango. Mahirap yun noh!

“Noona. May tumatawag sa iyo.”- Jihoon

Chasing The Water (An Exo Suho Fan Fiction) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon