Isang gabi, nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Nasanay akong makareceive lamang ng importanteng mensahe lalo pag galing sa mga magulang ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nuoy nakapatong sa bedside table ko at binasa ang mensaheng dumating.
"Hi there! Care to be my textmate?"
Not knowing kung sino ang sender, dinelete ko diritso ang mensahe at ipinatong ulit ang cellphone sa ibabaw ng table. Natulog din naman ako ulit. Pipikit ko na sana ang mata ko nang may marinig ulit ako, tunog na naman ng cellphone ko. Tiningnan ko ito at binasa...
/// Hi there! Care to be my textmate ///
/// Who the hell could this be asking to me to be his/her textmate sa ganitong dis oras ng gabi?! /// galit kong sabi.
Again, dinelete ko ulit ang mensahe na hindi nagrereply. Hindi ako "textmaniac"- na nag-eenjoy makipagtext kahit kanino, kakilala ko man o hindi sa ganitong dis oras ng gabi. Ang mga magulang ko lang naman ang dahilan kung bakit may cellphone ako ngayon. Sabi kasi nila ay mas convenient daw na meron akong cellphone para daw mamonitor nila ako kahit nasa malayo pa sila. Gusto ko sana i-off ang naturang aparatu kaso yung mama ko ay nakagawiang tumawag ng dis oras ng gabi to check on me kaya di ko na lang in-off. Pipikit na sana ako kaso bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Same number! Determinado tong mokong nato ah!
/// Pls reply to this msg & be an angel & save me from ths abyss of emptiness!!! ///
Hindi ko alam kung bakit parang natamaan ako sa mensaheng yun dahilan para mapindot ko ang keys ng cellphone ko. The next time I know, nagrereply na pala ako sa kanya.
/// I'm not an angel, & if u want som1 2 save u, m not superman...i'm just a prson ho u wake up at ds hour of my nyt!!! Nway, do I know u? /// I typed.
Seconds later, nagreply ulit sya.
/// Nope. U dn't know dis lonely soul. Nor does she know u. But I wnt 2 be ur frnd. I'm Xhien Clark. U? ///
/// Jst call me Adrian. Hwd u get my no.? ///
/// Hi Adrian, nice to meet u. I jst shuffled the last 2 digits of mine. ///
Yun ang una at huling time na may nakilala akong nilalang ng sa cellphone. Nagkapalitan kami ng mga mensahe at nagkakilala ng maigi ng gabing iyon. Nagpaalam lang kami sa isa't isa ng biglang nag-alarm ang orasan ko ng 5:00am! Naku! Kailangan ko pang maghanda para pumasok sa school.
At dyan kami nagsimula. Di kompleto ang araw ng walang mababasang maalalahanin at mapagmahal na mensahe galing sa kanya. That was the time na natutunan kong ma-appreciate ang text messaging at excited akong bumasa sa oras na tumunog ang cellphone ko , at dinadasal na sya ang nagtext. Siya ang nagdala ng isang bagay na hindi ko alam na meron ako. Napagtanto ko na pwede rin naman pala akong maging isang romantikong tao, kahit na sa text messaging man lang.
/// Keep me as a frnd & I will keep u in my heart. Lock it up & throw away d key so dat no1 can evr tke u away from me... ///
Yan ang natanggap kong mensahe galing sa kanya isang araw. So nagreply ako sa kanya...
/// In life, we seldom find a true prson & f u evr find 1, hold on & nvr let go... value dat prson coz it's lyf's gift worth keeping & holdin on... ///
Hindi ko alam pero ang sumunod niyang reply ay nagdala ng kilabot saking kalooban.
/// Value d people hu hav touched ur life bcoz u will never know just wen dey will walk out of ur lyf & nvr come back again. ///
Hindi ko alam kong ano ang aking naramdaman nung oras na yun, pero isa lang masisiguro ko...Hindi lalagpas ang isang araw na wala akong matatanggap na mensahe galing sa kanya. Nasanay na akong andyan sya kahit di ko pa sya nami-meet personally. At sa totoo ang ay naging parte na sya ng buhay ko, isang malaking parte.
YOU ARE READING
A Text Message
RomanceNagsimula ang love story namin sa isang simpleng text. Di ko akalain na mahahantong pa la ito sa isang pag-iibigan. Ako pala si Adrian Franco. Isa akong student sa isang private school dito sa Manila. My parents are out of the country. Nasa London...