"Libro"

57 3 3
                                    


Magandang umaga sa lahat. Ako si Lein Perez. Nakatira ako sa hindi kalakihang bahay pero malinis naman. 18 na nga pala ako at nag-aaral ako sa Santa Catalina University.

Wala kaming sasakyan kaya kailangan kong magcommute araw-araw at gumising ng maaga dahil isang oras ang byahe mula dito samin papuntang school. Bata palang ako nang makahiligan ko ang pagsusulat ng iba't ibang klaseng kwento at wala akong pakialam kung konti lang ang mambabasa ko dahil ang gusto ko lang naman ay maisulat ko ang mga pangyayari sa imahenasyon ko.

"Good Morning!" Bati sakin ng isang lalaking may suot na eyeglasses na nakatayo sa waiting shed kung saan ako sumasakay ng jeep. Hindi sya tumitingin sakin tuwing binabati nya ako kaya minsan medyo nalilito ako kung ako ba ang binabati nya o may katabi syang engkanto.

"Good Morning." Sagot ko nalang dahil ayokong magmukhang isnabera.

Lagi ko syang nakakasabay sa waiting shed na ito at lagi kaming nagbabatian kahit hindi namin kilala ang isa't-isa.

'Weird'

Nang may dumaan ng jeep papuntang school namin, agad nya itong pinara at nakangiting pinauna ako. Umupo ako malapit sa driver habang sya naman ay nasa dulo. Halos mga estudyante sa kilalang school ang nakakasabay namin at karamihan sa kanila ay nakatingin sa kanya. Sya kasi yung tipong lalaki na simple lang pero may appeal.

Dahil sa likas na kalikutan ng utak ko, umandar na naman ang imahenasyon ko. Nagiging routine ko na ito at nasasanay na rin ako sa ingay na nangingibabaw sa paligid ko araw araw habang tinatype ang mga ideyang namumuo sa utak ko. Matapos kong mailagay ang mga ideya sa memo ng cellphone ko, pinindot ko na yung save saka nilagay ang cellphone ko sa bulsa ko. 

Nang makarating na ako sa harap ng gate ng school namin, agad akong pumara at ibinayad ang pamasahe ko. Hawak ko ang dalawang strap ng bag ko habang naglalagad ako papuntang classroom namin. Pagpasok ko sa loob, isang walang humpay na ingayan ng mga kaklase ko ang agad na bumungad sakin.

"Tang*na!! Ba't ganito yung update?" Sigaw ng babaeng kakaklase ko habang nagpupunas ng mga luha nya.

"Anong chapter na yan?"

"Chapter 86." Humihikbing sagot nya. "Ang sakit sa puso ng mga pangyayari."

"Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa Seb dahil sa chapter 92... KYAAAAHHH!!! Ang cold na si Harold na hindi sumasayaw ay sinayawan si Elise."

"Hoy!!! Chapter 79 pa ako kaya wag kayong mang-i-spoil." Angil ng presidente namin.

"Fren, gusto kong mameet ang misteryosong author na 'to. Pinaiyak nya ako."

Napapangiti ako ng patago dahil sa mga naririnig ko. Alam ko kasing kwento ko yung binabasa nila. Kabisadong kabisado ko ang bawat pangyayari ng mga isinusulat ko pati pangalan ng mga character ko.

"Lein, tapos mo na bang basahin yung kwentong sinabi ko sayo?" Tanong sakin ni Aime na medyo kaclose ko sa classroom namin.

"Hm." Maikling sagot ko saka umupo sa upuan ko matapos kong ilagay sa gilid ng table ang bag ko.

"Ang ganda no? Simula umpisa hanggang dulo ay talagang focus na focus ako. Lalo na dun sa part kung saan inamin na ni Troy ang totoong pagkatao nya. Yun talaga yung the best na part eh. Gusto ko tuloy basahin ulit."

Tuwang-tuwa na yung buong sistema ko pero nanatili parin akong kalmado.

"Nga pala, ano ba dun ang favorite part mo?"

Napatingin ako sa mukha nya saka umastang nag-iisip. Halatang naghihintay sya ng sagot mula sakin.

"Actually, lahat ng parte dun ay gusto ko."

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now