HELLYN POV
Hinanap muna namin si Margaret ngunit kanina pa kami dito nagpapaikot ikot sa campus ay wala pa din siya.
"Hays,late na kami.Nagbell na din e"nasabi ko sa isip ko
"Reg? Nagbell na" ani ni Jhaveh ng nakabusangot
"Sige,ihatid muna natin si Hellyn sa room niya pagkatapos ihahatid na kita sa room mo" Ani ni Reg
"San na ba kasi si Margaret?" Inis na tanong ko sakanila
"Ewan ko ba don.Baka pumasok na yun sa room o baka nagboy hunting na naman" Ani ni Reg
"Nakuuu,panigurado nagboy hunting pa yun" Ani ni Jhaveh
"Huh. Nagboy hunting? Eh nagbell na kaya" Nalilitong ani ko
"Baka nga pumasok na sa room niya" Ani ni Reg
"Sige ihatid kana namin Hellyn sa room mo" Ani ni Reg
"Di.Unahin muna natin ihatid si Jhaveh.Para makapaglibot libot din ako kahit papaano" Ani ko
"Oh sigesige" Ani ni Jhaveh ng nakangiti
Habang naglalakad kami ay nilabas ko yung cellphone ko at pinalitan yung kantang nakaplay,Pagkaangat ko ng paningin ko ay bigla na lang nawala si Jhaveh at Reg.
"Sheyt" Nasabi ko sa isip ko
Hays. Ang malas ko naman ngayong araw,kainis.
Masyadong malaki tong campus kaya mahihirapan akong hanapin sila kung saka sakali.Bumalik na lang ako sa pinanggalingan namin kanina....Bahala na.Magtatanong na lang ako sa guard kong saan yung room 48.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay may nakita akong guard,agad akong lumapit dito.
Tinanggal ko muna yung nakakabit na earphones sa tainga ko at saka nagtanong"Sir? Hmmm San po dito yung room 48? " Nakangiting tanong ko
"Transferee ka? 4th yr? Oh hija.Ayan lang yung building ng 4th yr pagkaapasok mo jan akyat ka sa may 4th floor at doon na ang room 48" Nakangiting sagot ni kuya guard
"Thankyou po!" balik ngiting sagot ko
"Sige,late kana hija.Bilisan mo na lang" Ani ni kuya guard
"Sige po.Salamat" Ani ko at tuluyan na kong naglakad
Pumasok agad ako sa building na tinuro ni kuya guard at umakyat.Masyado talagang malawak tong campus.Wala nang estudyanteng dumadaan,
panigurado ay nasa kani kanilang room na silaNang makaakyat na ko sa 4th floor ay binagalan ko ng kaunti ang lakad ko.Haysss,kinakabahan ako.Bahala na nga
Papasok na ko sa room nang.....
"HELLYNNNNNNN" Nakakabinging sigaw ni Margaret at Janna at nakasunod si Reg sakanila
Paglingon ko uli sa room ay lahat na nasa akin ang atensyon
THE F........SHEYT! NAKAKAHIYA!!!
Dali daling tumakbo silang tatlo saken at
"Hays. San kaba nagpunta? Kanina kapa namin hinahanap e" Ani ni Reg
"Akala tuloy namin ibang room pinasukan mo" Ani ni Margaret habang nagpupunas ng pawis gamit panyo niya
"Buti nga yung tinanungan mong guard ay yun din yung pinagtanungan namin" Ani ni Janna na halatang pagod din
Di na lang ako sumagot sakanila at saka naramdaman ni Margaret na nasa amin ang atensyon kana naman
"Hi Ma'am Agustin hehehe,
Transferee po kasi tong si Hellyn,napahiwalay po siya samin kanina kaya akala namin nawala na hahahaha pasensya na po sa abala,Oh Hellyn pasok kana" Nakangiting ani ni Margaret saakin"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sabay sabay na tawanan ng mga estudyante
"TRANSFEREE PALA. PARANG BATA NAMAN KUNG MAWAWALA PA DITO SA CAMPUS " Tatawa tawang ani ng Estudyanteng lalaki
"SA LAKI NIYANG YAN MAWAWALA PA? HAHAHAHAHA NAGLOLOKOHAN BA KAYO?TINGNAN MO NGA PORMA NIYA LALAKI LALAKI HAHAHAHAHAHA" Tumatawang ani ng isa pang lalaki
"CLASS KEEP QUIET.Oh hija halika na rito.Doon ka maupo sa likod" Ani ni Maam ng nakangiti saken
"Sige mauna na kami maam ha.Oh Hellyn magiingat ka hahahahahaha" Tatawa tawang ani ni Margaret
"MANAHIMIK KAYO" Sigaw ko sakanila at dali daling naglakad at pumasok sa kabilang pinto sa likod.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa pinakalikod at pag angat ko ng paningin ko ay lahat na sila nakatingin saken
"Wala man lang bang goodmorning jan? May teacher sa harap oh" Ani ng papansing lalaki
"Bastos e" Sabi ng isa pang lalaki
Dali dali akong tumayo at nag greet kay maam
"Goodmorning po ma'am" Ani ko kay Maam at nilingon ko yung dalawang epal at nginisihan sabay upo
"Goodmorning,Pwede kabang magpakilala sa harap?" Ani ni Maam ng nakangiti
"Hays" Bulong ko sa sarili ko
"Hi everyone! My name is Hellyn De Guzman,17 yrs old and transferee from manila"Mabilisang ani ko at naupo agad
"Sa harap ka dapat nagpakilala.Bastos ah" Ani uli ng epal na lalaki
Pinagwalang bahala ko na lang ito at nakinig kay maam sa harap
"Pwede ba naming malaman kung bakit ka lumipat dito" Ani ni Maam
Tumayo agad ako at
"Gusto po ng lolo ko na dito ako mag aral" Ani ko at umupo agad"Bastos talaga" Ani uli ng epal na lalaki
Pinagwalang bahala ko ito at nakinig na lang kay Maam na nagkukwento sa harap
Habang nagkukwento siya ay kinuha ko ang earphones ko at nilagay sa tainga ko
"Ang boring talaga" Mahinang usal ko
BINABASA MO ANG
ANG BOYISH KONG GIRLFRIEND
Teen FictionSi Kirsten Hellyn De Guzman ay dating maingay,makulit at masayahing babae,hindi alintana sakaniya na may problema siya sa pamilya. Black sheep siya sa pamilya, Simula pagkabata niya ay ayaw na ayaw na siya ng kaniyang ina at kaniyang lolo't lola (sa...