HS

13 0 0
                                    


David's POV

Ang ganda ganda nya talaga. Esthrellia Esthrellia Esthrellia ang mga ngiti mong yan ang dahilan bat ako naaakit sayo ng lalo. Sana naman balang araw ay mapansin mo rin ako. Wala na akong pakialam kung magmuka akong baliw bastat mapansin mo ako.

Nang makita kong papaalis na mga kaibigan niya ay dahan dahan akong lumapit dala dala ang puting mga bulaklak

"H-hi Esthrellia." bati ko sabay abot ng aking kamay "A-ako nga p-pala si D-david hehe" sinusubukan kong pigilan ang nerbyos ko pero ayaw talaga

"Hi David! May kailangan ka ba saken?" Sabi mo sabay ngiti sa akin. Hmm pakiramdam ko ay lumagpas na ako ng langit sa saya.

"Gusto ko lang sabihin sayo na m-mahal kita hehe" nahihiyang sabi ko pa sayo sobrang lakas na ng kaba ko. Ngunit medyo napawi eto ng ngitian mo ako.

Bumalik din ito ng sinabi mong

"Salamat pero pasensya na kase di ko nararamdaman ang nararamdaman mo para saakin." Sabi mo na ikinagalit ko. Mahal na mahal kita ano bang kulang? Di pa ba sapat na mahal kita? Di mo manlang kayang isipin ang nararamdaman ko!

Sobrang nagdilim ang paningin ko at ang nakikita ko nalang na ginagawa ko ay buhat buhat at dahan dahang ibinababa si Esthrellia sa likod ng aking kotse.

Buti nalang at handa ako. Nakapagdala ako ng pampatulog. Napakaganda talaga ni Esthrellia ngunit sadyang walang tatalo sa kanyang kagandahan kapag siya ay nakangiti na.

Nang makarating na kami sa aking bahay ay alalay ko siyang tinali sa aking kama ngunit bigla siyang nagising.

"Bitawan mo ako!! Pakawalan mo ako tulooong!! Tulungan ninyo ako!!" Dali dali kong tinuloy ang aking pagtatali kahit siya'y nagpupumiglas ngunit sadyang napakakulit niya kaya naman sa di sinasadyang pangyayari ay nasaksak ko sya.

Sinaksak ko ang katawan niya ng paulit ulit hanggang siya ay namatay na. Ayos lang naman sa akin kung patay na siya. Kahit naman mabuhay siya ay di ko na masisilayan ang kanyang mga ngiti.

Kung kaya't hiniwa ko nalang at tinahi ang kanyang labi pataas para magmuka siyang laging nakangiti. Kay sarap pagmasdan! Tila nakakawala ng pagod.

Agad agad ko itong kinuhaan ng litrato at inilagay sa aking photo album, kung saan naririto ang mga magagandang ngiti ng aking mga mahal upang magpawala ng aking pagod at magbibay sigla sa aking buhay.

Minarkahan ko ren si Esthrellia ng numero 423 sa kanyang hita matapos ko syang iwanan.

Hayy! Kay sarap na araw! Andami ko nanamang ginawang masaya bukas naman ulit hihihihi

🌸@bitchsensei

Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon