A Recall...

89 21 3
                                    

A/N: Ito po ay recall ng ENDING ng MY LONG WAIT,

ginawa ko yung recall para sa mga kung sino man yung makakalimot

COPY PASTE lang po ito sa ENDING

wala po akong inedit/ pinalitan

hindi ko lang sinama yung nakasulat after ng END =)

.

.

MY LONG WAIT: The Last Chapter

 Mandy's POV  

It's ironic how people take you for granted when they already know how much they are wanted. Bakit kaya gano'n, 'pag alam ng isang tao na may feelings ka para sa kanya, nagiging confident siya na halos dumating na sa point na iwanan, paasahin, at saktan ka na lang niya? Hindi ba dapat ang love, two ways? 'Pag mahal mo, dapat mahal ka rin. Hindi yung tipong ikaw na lang ang laging papaasahin. 

  

Ang emo ko ngayon. As usual. Don't worry. 'Yung unang sentence na sinabi ko ay part lang ng essay na ginawa ko for an article sa aming newsletter sa parokya. 

  

May literary section kasi run kaya nagvolunteer ako na magbigay ng isang essay. Heto ako, binabasa ko ulit yung ginawa ko. Hawak ko ngayon yung papel na pinagsulatan kon nito. 

  

Epilogue nga pala 'to. It has been weeks. 

Wala na ako sa parokya. 

Wala na ako sa pangangalaga nila Sister. 

  

Bago magpasukan, napagpasyahan ko na ring bumalik sa amin. Sa bahay ng tita ko. Ako lang mag-isa, actually. Pero, unlike dati, magkasundo na kami ni Tita ngayon. Siguro, nadinig na ni Lord ang mga prayers ko para sa kanya. 

  

Moreover... Tuluyan ko na ngang iniwan ang pagiging Mandz. 

I mean, ako na si Mandy. 

Simula nung araw na maging okay na kami ni PJ. 

Nagmatured na ko in a sense na, nagrerespond na ko sa tamang paraan. Palagay ko lang naman 'to eh. 

  

Isang linggo na rin ang nakalipas nang magpaalam ako kina Sister. Sinabi ko na to kanina, pero sinabi ko lang ulit. 

  

Bukod sa inalok na ko ni Tita na umuwi sa bahay, nahiya na rin ako kina Sister. Ang dami ko ng kapasawayang ginawa. Bukod pa sa kumbento yung bahay nila, dapat talagang hindi na ako magstay roon. 

  

Kaya, mula sa araw na 'to, dito na ulit ako sa bahay namin. Dito na rin ako magpapasko, magbabagong taon, mag- vavalentines, at marami pang iba. 

  

Okay lang naman mag-isa, pwede pa naman akong pumunta kina Sister any time. 

  

Sa katunayan pa nga, nagvolunteer pa rin ako na magbantay sa Adoration Chapel kahit isang oras sa isang araw na lang. Yung time na available talaga ako. Member pa rin ako ng Youth. At committed pa rin sa pagseserve. 

YEARS LATER...Where stories live. Discover now