Emosyon ko'y tila sasabog na kapag ika'y aking kasama,
Kilig ay halos nag uumapaw lalo na't pag nasa tabi kita.
Halos ako'y mangiyak ngiyak sa tuwang nadarama ko,
Lalo pa noong nalaman kong gusto mo rin pala ako.Pinadama mo sakin ang pagiging masaya,
Nag uumapaw pa nga ang pagmamahalan nating dalawa,
Pag-ibig nati'y halos hindi matutumbasan,
At mananatili ito magpakailanman.Sa paglipas ng buwan bakit parang ika'y nagbago na?
Ang aking nadarama ay parang hindi ka na masaya,
Unti unting naglalaho ang ugali mong maganda,
Parang natangay ng hangin ang mahal kong aking nakilala.Sandali lang pala ang mga panahong tayo'y masaya,
Mga panahong pinakita mong ako'y mahal na mahal mo talaga,
Pinaramdam mo na ako'y mahalaga talaga,
Ngunit ipinakita mo sa huli na di mo na ko kayang mahalin pa.
Dahil kung mahal mo ko'y kakayanin mo kong tiisin ng sobra sobra.

BINABASA MO ANG
SAGLIT
PoetryPagmamahalang lubos mong ikinatuwa, ngunit sa isang iglap ay naglahong parang bula.