Prologue

3 0 0
                                    

"Ryan please, kumapit ka sakin." Iyak na iyak na ako dahil di ko kayang nakikita na ganito ang sitwasyon namin.

"Clariana hindi ako mawawala promise mabubuhay pa tayo at gagawa pa tayo ng sarili nating pamilya."Ngiting sambit nito kahit alam ko naman na gusto niya lang ako pakalmahin dahil alam niyang nahihirapan ako.

"Ryan please kaya natin ito, basta wag mo akong bibitawan ha? Dahil hindi kita bibitawan kasi ayaw kong mawala ka. Basta mangako ka sakin na makakaalis tayo dito."

Kanina pa ako nanginginig sa lamig dahil hindi na namin makita ang bangka na sinakyan namin ng malunod na ito dahil sa lakas ng ulan kanina at lakas ng hampas ng tubig sa aming sinakyan natumba ang aming bangka kaya ito nalunod. Maliit lang na bangka ang aming sinakyan dahil may supresa sakin si ryan.

Ngunit hindi namin inaasahan na susunod sa mga pangyayari ang pagbagsak ng malakas na ulan at paghampas ng malaking alon sa aming sinasakyan.

Natatakot ako dahil baka hindi kami makakita ng makakapitan na kung anong bagay. Dahil isang vest lang nakita namin na palutang-lutang na sa tingin ko galing ito sa sinakyan namin bangka.

Binigay ito sa akin ryan, ngunit hindi din ito nakaligtas dahil bigla nanaman umalon ng malakas. Kaya ito napalayo saamin ngunit hindi naman ito nakalayo kaya agad ko itong sinuot. Hindi ko naman mapapagkaila dahil marunong kami lumangoy pero hindi namin ito kinaya dahil sa sobrang lamig ng tubig .

"Clara will you marry me?"His said. Nabigla ako dahil nagpropose si ryan sa ganitong sitwasyon namin at bigla itong may hawak na singsing at agad ko naman itong kinuha dahil matagal ko ng pangarap si ryan.

"Yes, i will marry you ryan. Please kayanin natin ito dahil magpapakasal pa tayo." Ngumiti si ryan sa mga sinabe ko.

"Clara basta kahit anong mangyari mahal na mahal kita." Sabay halik sa noo ko. Di ko mapigilan umiyak dahil feel ko nagpapaalam siya. Pero binalewala ko lamang iyon dahil makakaligtas pa kami dito.

"Promise ryan ikaw lang ang mamahalin ko at buong buhay ko ikaw lang ang mamahalin ko." Sabay siil ko ng mga halik sa labi nito.

Nang magkahiwalay ang mga labi namin, niyakap namin ang isat-isa. Tumagal ang aming yakapan at hanggang sa namalayan ko nalang na hindi na humihinga si ryan.

"Ryan please, wag naman ganito. Ikakasal pa nga tayo e. Ryan naman wag ganito." Humagulgol na ako kahit alam kong masakit tanggapin. Ayoko paniwalaan dahil alam kong mahina baga ni ryan.

Kanina pa kasi kami palutang-lutang sa dagat kaya kanina pa kami nilalamig. Ramdam ko di nalabanan ni ryan ang lamig. Ngunit di ako nawalan ng pagasa hanggang sa may nakita akong malaking barko ang napadaan sa amin kinalalagyan.

Tinulungan kaming makaahon sa dagat hanggang sa lapitan ko si ryan. Ngunit di ko kinaya dahil sobrang sakit na makita na ang mahal mo ay di na makahinga at nawalan na ng buhay.

Parang sirang plaka na paulit-ulit na ng rereplay sa aking utak ang mga pangyayari. Di ko alam kung anong oras ako nakarating sa tabi ni ryan dahil sa bagal kong maglakad.

"Ryan please, joke lang ito diba. Binibiro mo lang ako e. Ano ba ryan! Gumising kana dahil magpapakasal pa tayo. Ryan naman e. Hindi ko na kaya please wag naman ganito. "Hagulgol ko at niyugyog ang mga balikat nito.

"Ryan naman, ano ba kasi gumising kana. Nakaligtas na tayo oh." Pinipilit ko parin siyang gisingin dahil alam ko sa sarili ko na natulog lang ito. Jinojoke lang ako nito kasi alam kong hilig niya akong biruin ng ganito.

"Miss, kailangan na po namin dahil ka sa hospital dahil marami kayong natamo na sugat." Tinignan ko ang aking sarili ganun nalang ang aking nakita dahil marami akong natamo ngunit hindi ko yun pinakinggan.

"Hindi kuya. Si ryan ang kailangan nating dalhin. Diba kuya natulog lang siya. Atsaka di naman niya naman ako iiwan diba? Bilis na kuya pakibilisan naman yung pagandar ng barko." Sabi ko sa kanila.

Yumuko lamang sila at binilisan ang pagandar ng barko. Hanggang sa tuluyan na kami pumunta sa malapit na hospital.

Iyak na iyak na ako dahil hindi ko kaya ang nararamdaman ko. Di ko kaya dahil sobrang sakit isipin na mararanasan namin iyon. Akala ko magiging masaya ako dahil nagpropose si ryan sakin. Pero hindi pala iniisip ko lang na sana isa lang itong panaginip at kailangan ko na magising dahil hindi ko na kaya.

Biglang bumukas ang emergency room at lumabas ang ilang mga doctor. Lumapit ako sa kanila.

"Doc, please ano na po nangyari sa fiance ko? Maayos na po ang lagay niya. Gising na po ba siya?" Kinakabahang tanong ko dito.

"I'm so sorry miss. Dahil nung dinala na dito ang pasyente ay wala na itong buhay dahil bukod pa dito mahina ang kanyang baga kaya hindi niya nakayanan ang paghinga sa gitna ng dagat at sa lamig nito. At kailangan niyo na rin ipaayos ang bangkay niya." Pagkatapos sabihin nito umalis na agad ang doctor.

Napasandal ako sa ding-ding dahil hindi ko matanggap na wala na aking kasintahan. Hindi ko alam kung saan ako kakapit pa dahil si ryan lamang ang nagpapagaan ng damdamin ko. Pero wala na si ryan ang taong nangako sa kaniya na hindi siya iiwan.

Lumapit ako sa labi ni ryan. "Ryan naman bakit ganito? Ang daya mo kasi iniwan mo ako. Akala ko ba di mo ako iiwan? Bakit ganito? Ikakasal pa nga tayo diba. Pero bakit ito? Sabi mo gagawa pa tayo ng sarili nating pamilya. Bumangon kana babe please? Nakaligtas na nga tayo oh! Tara na please. Gagawa pa tayo ng baby. Sabi mo mahal mo ako bakit mo ako iniwan ha? Di kana nakakatuwa ryan! Gumising kana dyan. Mahal na mahal kita babe. Kaya gumising kana dyan." Humagulgol ako ng malakas dahil sobra nasasaktan ako daig pa ng tinusukan ng maraming karayom.

Sa sobrang iyak ko hindi ko mapigilan ang mapaupo sa sahig habang hawak ko ang isang kutsilyo na sa tingin ko makakatulong ito upang mawala ang mga sakit na aking nararamdaman hanggang sa dumilim ang aking mga paningin. Hanggang sa mapapikit ang aking mga mata na mga sandaling nasa isip ko ang aking mahal na wala ng buhay at tanging iniisip ko lamang ay sundan ito at makapiling ulit. Hanggang sa tuluyan na akong makapikit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Try to LoveWhere stories live. Discover now