Prologue
"Ang pagmamahal ay hindi pinipilit. Kaya nga tinawag na "falling" in love. Ikaw mismo ang nahulog sa ayaw at sa gusto mo. At isa pa walang tumulak sa'yo para mahulog ka. Kusa kang nagpahulog kaya huwag kang magsisisi kung walang sumalo."
L-O-V-E. Parang aapat na letra lang pero kung iisipin mo ay talaga namang magooverflow yang utak mo. Kumbaga sa subject yan yung History na kinaiinisan mo kasi marami kang isasaulo. Yan yung Math na iniiwasan mo kasi takot kang magsolve ng mga problems. Yan yung English na ayaw mong pag-aralan dahil kawawa yang ilong mo. Yung Physics na kinababaliwan mo hindi dahil galak na galak ka kundi dahil sa mga formulas, logics, at kung anu-ano pang may kinalaman sa environment. Boompaneth, hindi ba?
Pero gaya ng mga subjects na binaggit ko, hinding hindi ka matututo kung di mo pag-aaralan. At habang pinag-aaralan mo madami kang matutuklasan at malalaman. Magkamali ka man minsan o madalas na, matututo at matututo ka parin. Di mo rin maiiwasang mahirapan pero hindi yun ang dahilan para ito'y iyong sukuan.
Eh paano nga ba kung ika'y bumagsak? Kaya mo bang magretake para hindi ka magfail? O hahayaan mo nalang na manatili ang red mark na yan?
Sa pagibig ba ganoon din ang proseso? Kapag nasaktan may mga maiiwang marka. Pero kung bibigyan mo ng pagkakataon ang ibang tao na mahalin ka, tuluyan ba itong mabubura? Pagdating sa pag'ibig...
"PAPASAKABA?"
BINABASA MO ANG
Papasakaba?
Teen Fiction1+4+3= I love you? Akala mo yan ang isasagot ko? 8 parin ang answer diyan!