Fiona's POV
*tingalingaling ding dong tingalingaling ding dong*
Shocks. Napagising ako dahil sa alarm na isinet ko kagabi. Eksaktong 5:30am siya tumunog. Hanep ng sounds parang xmas lights.
Lunes ngayon, Linggo kahapon, Martes bukas at Miyerkules pagkatapos ng bukas. Isa lang ang ibig sabihin neto, first day namin ngayong araw na 'to. Di ako excited. Ano naman kung first day? Eh wala naman dun yung kras ko. Sa ibang school siya nagaaral. Napakalungkot diba? Isa na ata to sa pinakamalalang trahedya na naganap sa aking buhay. Ang mawalan ka ng inspirasyon sa school na pinapasukan mo sa loob ng limang araw sa isang linggo. Well, ganoon talaga. Kailangan niyang gumraduate mula sa school namin at ako'y maiwan dito dahil 4th year palang ako. Alangan naman umulit siya para makasama pa 'ko. Kapal naman ng fes ko? Ni hindi nga niya alam na pinagnanasaan--este crush ko siya. Pero nakakalungkot tlga na hindi kami sabay ipinanganak sa mundo kaya ngayon eto ako, 4thyear palang ako samantalang college na siya. Pero kailangan ko na tlgang maligo dahil baka ako'y malate na.
Pagkatapos kong maligo at nagbihis..
"Eunice, handa na yung breakfast. Tawag ka na ng mamsy mo. Bumaba ka agad baka malate ka sige ka." Sabi ni Manang Fe. Siya yung certified at cool kong yaya mula pa noong 7 years old palang ako. Sa kabila ng edad niyang 56, nananatili ang pagkabagets sa dugo at laman niya. Hindi niya pinababayaan ang itsura at katawan niya. Cool nga kung manamit eh. Kaya love ko yan!
"Hey gummy bear! Good morning!" bungad ng papsy ko habang pababa ako ng hagdan.
"Good morning din papsy bear! ^__^" at agad siyang bineso
"Oh halina kayo dito. Let us eat. Baka malate ka pa gummy." tawag ni mamsy. At nilapitan ko siya sabay beso
Ang papsy ko na si Ferdinand Salazar at ang mamsy ko na si Eula Salazar. Sila na yata ang pinaka'the-best na parents sa buong mundo bukod sa tunay kong mommy na si Mama Fatima. Oo, step mom ko si mamsy Eula. Siya na yung nakilala kong mommy since 7 years old ako. Nakakalungkot man nung namatay si mama, pero si mamsy ang tumayong 2nd mommy ko at ipinaramdam niya talaga sakin na tunay niya kong anak.
Si papsy naman na aking tatay malamang, parang siya yung bestfriend ko dahil close talaga kami. Siguro bunga ng pagkawala ni mama Fatima, lalong lumaki ang atensyon niya sakin. Napakaswerte ko hindi ba? Hindi kami sobrang yaman, tama lang. Pero punung-puno naman kami ng pagmamahal. Thankyou Lord talaga!
Close family ties. Ganyan ko mailalarawan ang aming pamilya. Kahit na medyo busy sila mamsy at papsy pagdating sa business, di sila nawalan ng time para sakin. Nakikita ko ang exertions nila para lang manatiling close ang family namin.
"Mamsy, papsy..." sabi ko
"What gummy bear?" sabay nilang tanong
"I love you both! Very very very much." tapos nilapitan ko sila at niyakap.
"Sweet naman ni gummy. We love you very very very much more!" Sabi ni papsy tapos kiniss ako sa cheeks
"I love you too gummy. So much." sabi ni mamsy sakin at naluha
"Oh mamsy bear? Why are you crying?" tanong ko sabay akap
"Thank you for the acceptance. Tinaggap mo ako bilang mommy mo. Di man ako yung tunay." hinaplos'haplos niya yung buhok ko
"No mamsy. Ako dapat ang magthankyou kase tinuring mo ko bilang tunay mong anak, kahit di mo 'ko kadugo. Na kahit wla na si mama, nandiyan ka para di ako mangulila sakanya. So, thankyou." sabi ko at kiniss siya sa noo.
Nagngitian kami at pagkatapos kumain, nag'ayos ulit ako.
Napatitig ako sa salamin. Sobrang cute ng uniform namin. Kulay baby pink yung blouse na longsleeves tapos yung skirt na above the knee kulay gray, bagay siya sa white high socks at sa aking shiny shimmering na black shoes. Napatingin ako sa mukha ko. Hayyy...bat ba ang cute ko? Nuxx. Cute lang naman eh, yun lang talaga yung magagamit kong adjective sa ngayon. I am less than pretty. =(
BINABASA MO ANG
Papasakaba?
Teen Fiction1+4+3= I love you? Akala mo yan ang isasagot ko? 8 parin ang answer diyan!