Chapter One

13 1 0
                                    

Khy's P.O.V

Malapit na naman ang pasukan and for sure malaking H.E.L.L na naman ang mararanasan namin ng mga kaibigan ko pagdating ng enrollment! 

*sigh* Gusto ko na talagang grumaduate!!!! T_T

"Hey guys! may sasabihin ako!" napatingin ako kay Ella na kahit na abot langit ang smile na medyo pinagpapawisan, tumakbo siguro 'tong isang to papunta dito sa tambayan namin. haha.

"Ano naman yun?" tanong ni Erin, ang kaibigan naming isip bata masyado.

"Diba malapit na naman ang pasukan?"

tinapik ko si Ella sa balikat, " 'wag ka masyadong excited, may enrollment pa tayong mararanasan next next week!"

"I know I know! may itatanong/suggest lang naman sana ako eh, ano kaya kung after ng enrollment at bago bumalik sa school eh mag outing tayo for a whole week?" 

"hmmm... Not bad! sigeh ba game ako jan!" sabi ni Kylie

"Me too" sabi naman ni Abby. In the end lahat kami ay agree dun sa plano ni Ella and later raw ay mag hahanap na siya sa internet ng magandang puntahan na lugar,beach etc... ^_^

Ako nga pala si Khy Manriquez, isang 3rd year psych student at yun naman mga kasama ko kanina ay ang mga kaibigan ko na sila Erin, Ella, Kylie, Abby, Fainah, Mae and Sara. Lahat kami ay Psychology student maliban kay Abby na ang course ay Political Science.

Magha hapon na nung nagpasya kaming umuwi na pero kaming tatlo nila Erin at Abby ay nag ikot ikot muna downtown habang nag chi chikahan ng kung ano ano...

"Teka, isasama ba natin yung mga boys sa outing natin?" biglaang tanong ni Abby sa amin habang tumitingin tingin ng mga dvds sa sidewalk (pasaway kase tong dalawa eh masyadong mahilg sa pirated!) 

Pero oo nga noh? pero pag di sinama yung mga yun for sure magtatampo yung mga yun... mga isip bata pa naman rin yung mga yun...

Ang tinutukoy namin na mga boys ay yung mga sikat sa school namin. Mga varsity players sila sa school. Naging close namin sila nung time na umandar yung topak naming mag kaibigan habang nasa motorpool kami last year. Sila sina Kyle, Daniel, Brian, Joshua, Carl, Chris and Janus.

"Naku, baka may ibang plano na yung mga yun! yun pa?"  -Erin.

"Sabagay." :3 - Abby

"Still, sabihan lang natin. Malay niyo diba wala pala?" - me

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The ResortWhere stories live. Discover now