6: Mahal kita

90 12 4
                                    

*Next Day*

Jimin's POV

Matapos ng nangyari kahapon, di nakatigil ang isip ko sa kakaisip kung bakit ganito. Bakit ako nasasaktan kahit wala naman kaming sinimulan? Di ko na alam, hanggang dito nalang ba talaga? Bakit kailangan mangyari pa toh? Bakit ako? Everytime na sinusubukan kong makalimutan siya, mas lalo ko siyang naalala. Di na ako lumabas dito sa kwarto namin simula makauwi kami kahapon.

"Jimin hyung, nood tayo TV." kanina pa ako kinukulit ni Jungkook.

"Wala ako sa mood, ikaw nalang." sabi ko bago magtakip ng kumot.

"Ano ba yan, kahapon ka pa kaya dyan. Ano bang nangyari?" sabi niya bago tanggalin ang kumot ko.

"Walang nangyari, ayaw ko lang talaga umalis dito sa higaan." sabi ko, I lied🙁

"Bahala ka na nga, kakain muna ako doon. Labas ka nalang pag gusto mo na ha?" sabi niya bago umalis.

Sinubukan ko na muna matulog, pagsara ko ng mata ko naalala ko nanaman siya. Bakit ba kahit nakapikit ako, siya parin ang nakikita ko?! Ganun na ba talaga kalalim ang pagkahulog ko sa kanya? Natapos na yung iniisip ko ng marinig kong may kumakatok sa pinto, si Jin.

"Kahapon ka pa nagmumokmok dyan ah. Di porket wala tayong schedule ngayon, dyan ka nalang." sabi niya.

"Ayaw ko hyung, dito nalang ako." sabi ko bago bumalik sa pagtra-try matulog.

"Gusto mo ba, tawagin ko pa si Rosè para bumangon ka dyan?" sabi niya, napatayo ako bigla.

"Sa lahat ng tao, bakit siya pa yung tatawagin mo? She's really nothing special to me." sabi ko...Bakit di nalang si Jennie?

"Hoy! Ano yung ngiti ngiti mo kahapon kung wala lang siya sayo? Ako pa yung uutuhin mo, wag ako." sabi niya.

Wildflower na tayo ngayon ganon? Pero totoo nga naman, lagi akong napapangiti ni Rosè...Kaso hanggang friends nalang talaga kaming dalawa.

"Ewan ko sayo hyung." sabi ko bago laruin ang cellphone ko, I might as well be distracted.

"Tawagan ko talaga yun, bahala ka." sabi niya bago umalis, baka totoo naman tsk.

Nanood nalang muna ako ng YT, walang magawa eh. Nang biglang may kumatok sa pinto ko.

"Sino ya-.....Anong ginagawa mo dito?"

"Hi Jimin"

"H-Hi, anong ginagawa mo dito?" sabi ko sakanya.

"Ah, kase tinawagan ako ni Jin. Ayaw mo raw lumabas ng kwarto, may problema ka ba?" tanong niya saakin, pambihira naman oh! Tinawagan talaga niya si Rosè😑

"Hindi naman, wala lang talaga ako sa mood." sabi ko naman.

"Okay, gusto mo ng cookies? Dinalhan kita eh, kaka-bake ko lang sa bahay." sabi niya bago pumasok sa loob at tumabi saakin sa higaan.

"Wow, chocolate chips! Thank you!" sabi ko sakanya habang nakangiti, tama nga si hyung...Lagi niya ako napapangiti.

"Welcome, eh ano na nga? Bakit parang malungkot ka daw?" sabi niya naman ng nagsimula kaming kumain.

SETBACKS | BTSXBLACKPINK (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon