A/N: Hope you'll like it...
Enjoy....
Yassy's Point of View
"Ano na bal? tutunganga nalang ba tayo dito? aren't we going to enjoy?!" reklamo ng nagsusumamong babae na nasa harap ko habang masama ang tingin sa akin.
Sino pa ba? wala nang iba kundi ang bestfriend for life ko na si Georgina Joyce Imperial. Nandito kasi kami ngayon sa bar, hinila na naman ako netong babae na 'to. Maghahanap daw kami ng boylet. As if i care with those nonsense thing.
"Wala naman talaga sa plano kong mag enjoy dito bal. Kung gusto mo ikaw nalang. Go! chupii. Ayos lang ako dito." sabi ko. Napabusangot naman siya.
"Yaahh! ang daya daya mo talaga. Hmp! basta ako? kapag ako nakabingwit ako ng boylet na gwapings dito, bahala ka! mategi ka sa inggit. Hahaha!" sabi niya. Tinawanan ko lang siya at ininom na ang tequillang hawak ko bago magsalita.
"Go on! wala akong pakialam no!"
"Alam mo ikaw? pinapairal mo na naman yang highhhhh standards mo." sabi niya. Habang umiinom din. Inempasays niya pa talaga ang word na "highhhhh". Baliw lang.
"Oh? bakit mo naman nasabi 'yan?" takang tanong ko. Napangiwi naman siya. Halatang naiinis na siya dahil hindi ko ma gets yung sinabi niya.
"Duhrahrah! Imagine mag dedebut kana't lahat. Wala ka pa ring boyfriend. Gagraduate na din tayo oh?! Wala pa'rin." singhal niya. Ako naman ang napangiwi.
"Hindi naman minamadali ang lovelife bal. Mas mabuti nang mag hintay nalang ako. Dadating din yung para sa'kin." Sabi ko. Alam kong dadating din yung para sa'kin.
"Ewan ko sayo! ang dami dami mong manliligaw tapos ni isa wala ka man lang sinagot. Hindi mo man lang ako binigyan kahit isa." reklamo niya. Napatawa nalang ako. Broken kasi 'tong babae na 'to. Kaya naghahanap ng lalaking makakatulong 'daw' sa kanya sa you know, moving on.
"Alam mo naman na wala sila sa sta--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inunahan niya na ako. Napangiti nalang ako. She really know me.
"Wala na naman sila sa standards mo? hay! Okay. okay. Diyan kana nga lang at sisimulan ko nang mang hunting ng mga boylets. Bago pa maloka ang brain cells ko sayo." sabi niya at hinilot hilot pa kunwari ang sintido niya tska siya pumunta sa dance floor at nakihalo na sa mga nagsasayaw 'don.
Napailing nalang ako at ibinaling na ang tingin ko doon sa iniinom ko. Naka tatlong baso na ata ako. Habang si Joyce naman ay naka lima na.
Iba talaga ang nagagawa kapag broken ka. Yang bestfriend ko, kahit na laging naka ngiti 'yan, deep inside i know she's feeling lonely and down.
Naiinis ako ng sobra sa lalaking nanakit sa bestfriend ko. Ang kapal naman ng apog niya para i PPSI ang bestfriend ko. Alam niyo ang ibig kong sabihin? PPSI stands for Pa-ibigin, Paasahin, Saktan at Iwanan. Saan kaya siya nakakakuha ng kakapalan ng mukha para saktan ang bestfriend ko? hiningian lang naman niya ng isang CONDO si Joyce at pagkatapos, ayun nawala na ng parang bula. Eto namang bestfriend ko, hala sige bigay lang. Mahal naman daw siya ng 'boyfriend' kuno niya at pa birthday niya na daw 'yon.
Kaya ayokong nagmamahal ng hindi pa planado. Dahil masasaktan ka talaga.
Kaya ayun labis labis ang pagsisisi niya. Buti nalang at nandito ang dyosa niyang bestfriend to comfort her.
Yung parents niya nasa states for business matters kaya lola niya lang ang tangi niyang kasama as of now.
Teka lang. Parang may mali 'eh...
Diba kwento ko 'to?
Bakit mas madami pa atang pangyayari tungkol sa aking bestfriend ang nai-kwento ko?
Stupid...
(-_-#)
Okay, eto na talaga...
Ako nga pala si Yassy Corpez Winterson. Half filipino, pure dyosa--este half american. Ang babaeng hopeless romantic slash day dreamer slash forever single.
Mali pala.
Dahil walang forever, kaya hindi naman pala ako forever single.
At hindi ko inaasahan na....
Ang akala KONG planado na. Ay pinlano pa pala...
At hindi ako na inform na andyan na pala siya...
Ang IDEAL MAN ko!
YOU ARE READING
The Ideal List
RomanceMeet Yassy Winterson ang half filipino-american na babaeng hopeless romantic slash day dreamer slash forever single. Hindi naman sa nagpapaka bitter pero-bitter na pala talaga. Mas gusto niya ang planadong lovelife kesa sa hindi mo inaasahang saya...