*1rst Chapter: Bitter ni Ate*

22 4 4
                                    

A/N: Kaylangan ko ng attention, support, at votes uhaw ako 'eh ba't ba? charing. Hope you'll like it. Slow update din 'to. Wala na akong network minsan 'eh sorry.

Yassy's POV

~Kringggg~

Napabalikwas agad ako sa hinihigaan ko ng marinig ko ang pagkalakas lakas na tunog ng alarm clock. Anak ng sampungpu't walong kurimaw 'oh! Pakana na naman 'to ng abnormal 'kong kapatid. Wag lang talaga siyang magpapakita sa'kin.

Sadyang napakaloko talaga nang batang 'yun. Kung hindi magkukulit, magsusungit naman. Sayang lang ang gandang lalaki niya. Yung katangkadan, kaputian, at kagwapuhan niya, sayang talaga.

Sinasayang lang talaga nang mga lalaki ang kagwapuhan nila. Gagamitin lang nila ang mga mukha at matatamis na salita nila para makapang loko nang babae.

Baka isipin niyo na broken ako kaya ako ganito, hindi no! ayoko lang talaga na may nakikitang babae na nasasaktan.

Ako nga pala si Yassieana 'Yassy' for short Corpez Winterson, 17 years old. Ang babaeng hopeless romantic slash daydreamer slash forever single.

Okay! ang aga aga. Bitterness alert agad. Back to reality....

"DWEINNNN ANGELOOOO CORPEZZZZ bumalik ka ditooooo!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay at dali daling bumaba para habulin siya.

Partida nasa kwarto pa ako niyan. Kabwisit 'eh. Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung iniistorbo ang pagtulog ko.

"Halimaw kang bata ka! magpakita kang bwiset ka!" sigaw ko pa. At nag pa linga-linga sa bawat sulok ng bahay upang hanapin siya. Pero magaling magtago ang mokong. Tsk!

Maya-maya pa ay nakasalubong ko si Manang Nena na halatang nag papanic sa pagsigaw ko, ang kasambahay namin, nasa mid 50's na siya at may katangkaran. Matandang dalaga siya kaya wala siyang pamilya, i mean mga anak at asawa. Matandang dalaga nga di'ba?

Ang mga kamag-anak naman niya ay nasa Cebu. Kaya dito muna siya namalagi para mag trabaho dahil nga may sakit na ang mga magulang niya at dala na din siguro ng katandaan. Akala ko nga mag mamadre siya 'eh hindi pala.

Pero itinuturing ko na 'rin siyang pangalawang magulang dahil simula pagkabata ko palang ay kasama na namin siya ng kapatid 'kong kurimaw. Si Dwein, 13 years old kaya ubod ng talino pagdating sa kalokohan.

"Jusko pong bata ka! Aatakihin ako sa puso sayo. Ano bang isinisigaw sigaw mo 'riyan?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

Patay! Papagalitan na naman ako ne'to.

"'Eh kasi Manang, si Dwein itinodo yung volume ng alarm clock ko tapos itinapat sa tenga ko. Nakakagulat kaya! Bwiset na bata 'yun." pagmamaktol ko.

"Kayo talagang magkapatid! Tsk. Hayaan mo na at bata naman, ikaw nalang ang umintindi sa kapatid mo. Alam mo naman na kulang 'yon sa pansin." sabi ni Manang. Kaya napanguso nalang ako.

Tama si manang. Wala naman kasi sina mama at papa dito dahil nasa states si mama para magtrabaho habang si papa naman... Uhm wala akong balita sa kanya dahil since birth ay hindi ko na siya nakita.

Naiinis ako ng sobra kay papa dahil iniwan niya si mama habang nagbubuntis pa.

Ano 'yon? pagkatapos niyang buntisin iiwan niya nalang?! hindi niya ba naisip na may mga responsibilidad siyang iniwan? na hindi dapat tinatakasan?

Tapos siya nagpapakasaya lang doon. Kung nasaan man siya.

(-_-///)

Wala sa plano kong makilala siya. As in never.

"Oh siya, kumain kana muna at kakatapos ko lang din naman magluto ng paborito mong pagkain."  sabi pa niya. Agad nagliwanag ang mata ko nang marinig ko ang salitang "pagkain" bakit ba? food is life 'eh.

Pero kahit matakaw ako, sexy parin ako 'no. Napatawa nalang sa'kin si manang.

Patakbo akong pumunta sa kusina at nadatnan ko doon ang maraming pagkain. May ham, hotdog, bacon, egg, hot chocolate, at CARBONARA! Yum! Hindi na ako makapag tiis.

Dadampot na sana ako nang pagkain nang bigla akong sawayin ni manang. Ano ba 'yan. Gutom na ako 'eh.

"Hep! hep! ikaw talagang bata ka. Maghilamos at magmumog ka muna. Tingnan mo may muta ka pa sa mga mata mo." sabi niya. Pero ng kinapa ko ang mga mata ko, wala naman. Nang gogoodtime na naman si manang.

"Manang naman!" singhal ko. Napatawa nalang siya at dumiretso na sa paghuhugas ng pinggan. Kaya wala akong nagawa kundi ang magmumog nalang pagkatapos ay kumain na ako.

Kumuha ako ng isang slice ng ham, bacon at egg atska limang sandok ng carbonara. Uminom din ako ng hot chocolate pagkatapos ay pumunta na ako sa sala para doon kumain habang nanunuod ng TV.

Habang kumakain ako, bigla namang dumating ang magaling kong kapatid habang nakapasak ang earphone sa tenga niya. Dire-diretso lang siya sa kusina at kumuha ng makakain.

Hindi man lang ako pinansin pagkatapos niya akong pag diskitahan. Napa irap nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Linggo kasi ngayon at bukas ay lunes na kaya nilulubos na namin ang pagtambay dito sa bahay. Dahil panigurado, tambak na naman ang projects namin tomorrow.

I am a third year student habang ang kapatid ko naman ay first year. Kahit na wala si papa ay nakakaya pa'rin ni mama na bigyan kami ng maganda at maayos na buhay.

Kagaya nito, nakakapag aral kami ngayon sa pribadong paaralan at nakatira sa magandang bahay. Hindi naman kami mayaman, may kaya lang.

"Hey ate!" agad kong naibuga yung kinakain ko nung bigla akong gulatin ni Dwein.

"Ay palakang kabayo! Ano ba? bakit ka ba nangugulat?!" sigaw ko sa kanya atsaka siya binatukan. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

"Ouch! Sh*t that hurts you know?" singhal niya pa habang hinihimas ang ulo niya.

"That hurts, that hurts ka diyan. Oh? ano na naman kaylangan mo?" mataray na tanong ko. Pumunta muna ako nang kusina para ilagay sa sink yung pinagkainan ko at uminom muna ako ng  tubig bago bumalik sa sala.

Naabutan ko naman siya na nag lalaro ng online games sa phone niya. Adik talaga.

"Mama called me. She ask me if you're doing well in your studies." walang ganang sabi niya habang patuloy pa ring naglalaro.

Tumawag si mama? ba't hindi ko alam 'yun?

"What did you say?" tanong ko habang nagtataka. Nag-aaral naman ako nang mabuti 'ah. Sa katunayan, top 29 out of 30 nga ako sa section namin 'eh.

Matalino naman ako diba?

Nakita ko namang sumilay ang nakakalokong ngisi niya sabay tingin sa'kin. May ginawa na naman 'tong kalokohan. .

"I told mom that... You're always at the bar with ate Joyce and both of you are busy flirting with...Boys? Hehe. Peace!" sabi niya sabay takbo sa kanyang kwarto. Natagalan pa bago ako nakapag react sa sinabi niya. At nang nag sink in na sa utak ko....

Agad umusok ang ilong ko. Anong busy flirting?! 'eh wala nga akong balak mag boyfriend at wala sa isip ko ang mga ganong bagay! Tapos sasabihin niya kay mama nakikipag flirt ako sa mga lalaki? lagot na, papagalitan na naman ako ni mama nito. Punyemas kasing bata 'yan 'eh.

Sisigaw na sana ako nang makita kong nakatayo at nakasandal si manang sa pader nang kusina at nakatingin sa'kin ng masama. Yung tingin na wag-kang-sisigaw-hayaan-mo-na-siya look. Kaya napa upo nalang ako sa sofa at tinoon ang tingin ko sa TV.

Sa ka malas malasang pagkakataon nga naman....

Saktong 'Love Story' ang palabas. At puro ka sweetan effect pa. May mga nagyayakapan, nagloloving loving, naghaharutan, nag kikiss--Ayy jusko!

"Mag b-break din naman. Tss!" singhal ko atsaka pinatay ang TV.

Pangalawa sa pinaka ayaw ko?












Ang lovelife...

***
A/N: Wait for the next update.

The Ideal ListWhere stories live. Discover now