Tula #8

552 8 0
                                    


Ito ay totoo at buong puso
Ito ay nasasaktan ngunit hindi sumusuko
Ito ay malaya ngunit bumabalik nang kusa
Ito ay ang ating pag ibig na tunay at walang kapantay

Hilingin man ng iba na tayo ay maghiwalay
Wala silang magagawa dahil pagibigigan natin ay matibay
Kinaiinggitan at kinapupuotan
Pinapangarap at ipinagdadasal

Hindi ba't dito rin tayo nag umpisa
Habang nasa misa ay sinusulyapan ka
Tapos susuyurin ng aking paningin
Mga mata mong kay sarap sambahin

Halos di na makatulog sa gabi
Laging pinapangarap na sa harap ng altar ika'y makatabi
Matikman ang mapupula mong labi
Isusuko sayo ang aking sarili

Pero ngayong akin ka na
Wala na akong hahanapin pang iba
Habang buhay kitang pagsisilbihan
Kahit umabot tayo ng magpakailanman

100 Tula para Sana SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon