--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Bes! Mag enroll kaya tayo sa UP Diliman! I heard maraming hot varsity teams doon!" sigaw saakin ni Tori habang nag-aaral kami. "Ano ba Tori? Mag focus ka kaya sa ginagawa mo bago ka dumaldal? Paano ka kaya makaka pasa sa UP, eh ang hirap daw makapasa doon!" sabi ko naman sa kanya para tumahimik siya. Mag ko-college na kasi kami ni Tori, at pinag-iisipan ko talagang mag FEU, pero nga lang, ayoko makahiwalay kay Tori, gustong-gusto niya kasi sa UP Diliman, kasi daw maraming 'Hot Guys' doon. Pero since best friend ko siya, pag bibigyan ko na.
"Hessa, paano kung hindi ako makaka-pasa sa UP? Ano'ng gagawin mo?" sabi ni Tori. "Ano'ng 'ikaw' lang and hindi makaka pasa? 'Di rin naman ako matalino eh" sabi ko naman.
"Ano'ng 'hindi' ka matalino!? Top 1 ka nga nung high school tayo eh!" Tori said while mocking me.
"Malay mo, mas mahirap na. Halos 10% lang ang mga nakaka-pasa sa UP eh" sabi ko.
"OMG!? Talaga bes?! Hala gagalingan ko talaga! Mag-aral na tayo! Omygod!" sigaw naman ni Tori. Talagang nakaka-irita to'ng best friend ko. Pero buti nalang at mag-aaral na kami.
---------------------------------------------
Ilang oras na ang nakalipas, at hindi pa rin nagsasara bibig ni Tori. Para ngang 7/11 bibig nito, hindi nagsasara.
"Beh, kailangan ko nang umuwi, 8:30pm na. Baka mag-alala na sila kuya. Alam mo naman si kuya 'Over protective'." paliwanag ko kay Tori.
"Sige, ingat ka ha! Sayang beauty mo! shopping tayo bukas ah!" masayang pagsigaw ni Tori
"Hay naku Tori, bawal, siguro ka ba'ng gusto mo pumasok sa UP? Mag-aral nalang tayo bukas" sabi ko naman. Pero talagang gusto kong mag-aral bukas, kailangan ko maka-pasa.
Minsan talaga, parang wala ako sa mood sa pag sho-shopping kapag may goal akong kailangang i-achieve. At ang goal ko ngayon, maka pasa!
"Please bes! Kahit mga 59 minutes lang?" sabi ni Tori habang nagmama-kaawa.
"59 minutes!? Isang oras na yun ah! Fine, we're going to the mall tomorrow pero 30 minutes lang" naiinis kong sinabi.
"At tsaka, i-tu-tutor kita tomorrow. Feeling ko nga habang nagbabasa ka iniisip mo kung ano bibilhin mo bukas eh" Natatawa kong sinabi sa kanya
Heto kasing si Tori, minsan kapag 'nag-aaral', iniisip niya lagi ang gusto niyang gawin bukas. Edi hindi na rin siya naka-focus sa inaral niya!
"Fine... Ingat ka ha! Pakisabi rin ng 'Hi' kaynila tita't tito!" sinabi niya habang palabas ako ng bahay. Sinundan niya rin ako palabas, and she always watch me whenever I go home just in case I'm safe. I do that to her as well tuwing pauwi siya galing sa bahay ko.
At biglang may pumunta na sasakyan sa harap ng bahay ni Tori, kung saan ako nakatayo.
Ito ay isang honda na kotse, pero mukhang sports car, pero hindi eh.
"Bes, kumuha ka ba ng uber?" tanong ko kay Tori habang siya ay gulat na gulat pa rin.
Hindi nakasagot si Tori kasi biglang bumaba yung driver sa kotse. Matangkad siya, medyo magulo yung buhok, pero... Sino kaya siya? Noong nakita na namin yung kanyang mukha, kamukha niya si Neels Visser, pero hindi eh. Pero familiar yung kaniyang mukha.
"Hello" sabi nung matangkad na lalake, medyo mababa boses niya, pang-lalake talaga. Pero sino ba talaga siya?
"Don't you remember me?". Sino ba to? Loko ba tong lalakeng to? Kilala niya ba ako? Pero, nung nakita ko mata niya, mukha talagang familiar. Pero hindi ko talaga makita sa ulo ko kung sino yung may mata na ganun.
YOU ARE READING
Too Close
RomanceHessa Ocampo, 20 years old. Hindi pa naman ako naghahanap ng lovelife e, pero bakit ganun? Kung kelan nahahanap ako, wala akong mahanap? Pero kapag hindi na ko naman kailangan, meron? At kung pwede nga lang 1 lang nanliligaw sa'kin. Hindi naman ako...