HAPPY MOTHER's DAY NANAY!! <3

138 1 0
                                    

Kahit di ko naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na ina sa aking paglaki, alam ko na ibinigay nya lahat ng pagmamahal nya sa akin nung isilang nya ako at bago nya kami iwan. Nangulila ako sa pag-aalaga ng tunay kong ina sa aking paglaki na tinugunan ng aking Tita na ngayon ay iniwan na din kami. Nakakalungkot man pero alam ko na araw-araw ay binabantayan nya ako at ginagabayan. Di ko man sya, sila nakikita pero sa isip at puso ko ay di sila nawawala.

Di ko alam kung kelan ko huling nasabihan ng “I LOVE YOU NANAY” ang aking ina pero ngayong nagkaisip na ko ay madalas ko ng banggitin sa hangin na para bang naririnig nya.

Naiinggit ako sa tuwing may nakikita akong ina at anak na masayang naggagala kung saan-saan. Nagtatawanan. Nagyayakapan. Naglalambingan. Minsan pa nga nagsasabihan ng “I LOVE YOU”.. ansaya siguro ng ganon..Lalo na ngayong Mother’s Day, nagkalat ang mga pictures na kasama nila ang kanilang mga nanay sa facebook.

Pero ganon pa man, mahal na mahal ko ang nanay ko! Alam ko na inaalagaan nya ko at ginagabayan sa aking paglaki. Ramdam ko ang pag-aalaga ng isang buhay na ina dahil lumalaki ako, kami ng mga kapatid ko na di pasaway, na di tulad ng iba na ‘pag wala ng nag-aalaga sa kanila ay nag-rerebelde at wala ng patutunguhan ang buhay  dahil sa walang nag-aalaga at gumagabay sa kanila. Mababait at may disiplina (pero syempre minsan pasaway din ako nauwi ng hating gabi pag kasama ko mga frends ko, pero nagpapaalam naman ako sa ate ko! Hehe ). Magagalang, may takot sa diyos at mapagmahal.

Sa nanay ko at sa Tita ko na nagpalaki sa akin…

MARAMING MARAMING SALAMAT PO.

 MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO..

HAPPY MOTHER’s DAY po.<3

#############################################################################

HAPPY MOTHER’s DAY sa lahat ng mga Nanay, Mommy, Inang, Mama. <3

HAPPY MOTHER's DAY NANAY!! &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon