"ORAS"

7 1 0
                                    

Kung dati, oras mo saki'y sapatNgayon, hindi mo na alam kung ano ang dapatKung dati, ikaw saki'y tapatNgayon, nawala na ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung dati, oras mo saki'y sapat
Ngayon, hindi mo na alam kung ano ang dapat
Kung dati, ikaw saki'y tapat
Ngayon, nawala na ang lahat

Kung dati, oras mo saki'y inilaan
Ngayon, sa iba na nakalaan
Kung dati, oras mo saki'y may kahalagahan
Ngayon, wala nang kahulugan

Kung dati, may oras pa tayo sa isa't-isa
Ngayon, lahat ay nawala na
Kung dati, tayo'y may ipinangako pa
Ngayon, iyun ay napako na

Dito na ba ang dulo?
Tama ba ang nasa isip ko?
Na kung saan, ang oras nati'y mahihinto?
Dito na ba magtatapos ang oras natin at mawawala na ang salitang TAYO?

Kung tama nga ako
At kung ito na ang dulo
Ikaw na ay papakawalan ko
At dito na magtatapos ang oras ko sa'yo

'Paalam na mahal ko
Tapos na tayo
Pero tandaan mo ito
Mahal kita, at hindi iyon magbabago'

❤Mga Tula ni Ate Ko SISY❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon