Jeepney (Tagalog Version)

1.3K 39 0
                                        

Kakatapos lang ng huling klase ng kolehiyala noong gabing iyon. Kinailangan niyang magtagal nang ilan pang minuto para kausapin ang kanyang mga ka-grupo tungkol sa kanilang proyekto. Nang matapos iyon, mag-isa siyang nagtungo sa sakayan ng jip at naghintay ng masasakyan. Siya lang ang naroon, lalo pa't walang ibang naghihintay at ang kanyang mga ka-grupo ay iba ang dinaraanan pauwi.

Mag-aalas diyes na, kaya naman medyo natatagalan siyang makasakay. Ang mga huling biyahe palabas ay madalas dumaraan mga sampung minuto bago ang alas diyes.

 Ang mga huling biyahe palabas ay madalas dumaraan mga sampung minuto bago ang alas diyes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Makalipas ang ilang minuto, may dumaan ring isa pang bumabiyaheng jip. Agad niya itong pinara dahil malamang sa hindi, ito na ang huling biyahe.

Bukod sa kanya, may isa pang pasahero - isang mas matandang babae - kaya naman halos walang laman ang jip. Makalipas ang ilang minuto, pumara ang ale at bumaba.

Siya na lang ang naiwang pasahero ngayon.

Lumapit ang dalaga sa driver para i-abot ang kanyang bayad. Nang makabalik siya sa kanyang puesto, napansin niyang tinititigan siya ng driver. Hindi niya ito masyadong pinansin, at patuloy lang na tumingin sa labas ng bintana nang tahimik. Hanggang sa muli siyang mapatingin sa loob. Napansin niyang patuloy ang pagtitig sa kanya ng driver sa salamin.

Sa loob ng mga sumunod na minuto, patuloy ang pagsulyap sa kanya nito. Pabalik-balik ang tingin mula sa kanya mismo at sa salamin. Maka-ilang ulit itong ginawa ng lalaki... paulit-ulit, pabalik-balik ang tingin. Hindi ito nagustuhan ng dalaga, pero gustuhin man niyang bumaba at lumipat ng sasakyan hindi niya ito magagawa dahil gabi na masyado. Baka wala na siyang ibang masakyan palabas ng unibersidad.

Noon din lang niya napansing iba ang ruta na tinatahak ng jip. Pumasok ito sa mga kalsadang hindi naman madalas na dinaraanan. Hindi niya alam ang daan na iyon, at noon lang nagawi sa lugar na iyon.

Sa isip niya, sigurado siyang talagang kaka-iba ang titig sa kanya ng driver.

Kinabahan ang dalaga. Kunsabagay, hindi nga naman maganda ang kinalalagyan niya ngayon. Mag-isa siya sa isang lugar na hindi ma-tao, sa madilim na parte ng unibersidad, sa dis-oras ng gabi. Kung may binabalak man itong driver na ito, malamang dito niya nga ito gawin. Bigla tuloy niyang naalala ang mga balita ng pang-holdap at rape sa mga dalaga nitong mga nagdaang araw. Lalo lamang siyang kinabahan.

Wala siyang kahit anong puedeng gamiting panlaban. Malabo ring may mapadaang ibang taong maaari niyang hingan ng tulong kung sakali. Maliit lamang siya at hindi kalakasan, at hindi pa alam kung paano ipagtatanggol ang kanyang sarili.

Sa loob-loob niya, halos sumigaw na siya. Wala siyang kasama. Walang mahihingan ng saklolo. Nanalangin na lang siya para sa kanyang kaligtasan.

Biglang huminto ang jip.

"Nako po. Ito na nga," sinabi ng dalaga sa loob-loob niya. Maluha-luha na siya. Napapikit na lang siya.

Naisip niya ang pamilya at mga kaibigan niya. Sinabi niyang muli sa sarili niya, "Kung ganito rin lang, lalaban na lang ako!" Kalmutin sa mukha o braso; hambalusin ng bag niya; sipain sa maselang bahagi; sumigaw nang malakas hanggang sa may makarinig... kahit ano, lahat ng puede niyang gawin, gagawin niya.

"Sige, sige... kaya ko 'to!" sabi niya habang naghahandang ipaglaban ang sarili.

Natigilan siyang bigla at napatingin sa paligid.

Nasa terminal na sila. Maraming tao sa paligid, at maliwanag. Bukas pa nga ang lahat ng mga tindahan, kasi madaling araw na sila kung magsara. Sa sobrang kaba at takot niya, hindi niya napansin na nakarating na pala sila rito. Nakahinga na siya nang maluwag.

Pababa na sana siya nang bigla siyang tawagin ng driver

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pababa na sana siya nang bigla siyang tawagin ng driver.

"Miss," tawag ng mama sa kanya.

Natigilan siya, at lumingon sa driver.

Kinilatis niya si manong. Hindi naman pala siya nakakatakot o mukhang masamang tao. Normal lang kung tignan. Parang ka-edad pa nga niya ang tatay ng dalaga.

"Pasensya ka na ha. Hindi naman kita aanuhin. Ganito kasi... nung nakita kita sa salamin ko, pugot yung ulo mo," sabi ng driver. "Sabi kasi nila, kapag walang ulo ang isang tao sa salamin, eh masamang pangitain daw 'yun. Malas rin daw sa 'ming driver 'yun. Sabi rin nila, baka me masamang espirito sa jip. Kaya palinga-linga ako sa 'yo kanina, para maka-siguro ako na tao ka ngang talaga. Baka mamaya, guni-guni ko lang 'yung nakikita ko sa salamin."

Nagulat ang dalaga sa sinabi ng tsuper. Baka naman gawa-gawa lang niya ito?

Pero parang hindi rin kasi. Mukha namang maayos na tao si manong. Saka, hindi rin naman kasi niya naisip na silipin 'yung sarili niya sa salamin kaninang nasa biyahe pa sila.

"Sabi ng mga matatanda, kapag may nangyari daw na ganito sa amin dapat daw ibahin namin ang ruta namin para maligaw 'yung masamang espirito. Puede lang kami bumalik sa tamang biyahe kapag maayos na 'yung itsura noong taong walang ulo sa salamin. Kaya't nung makita kita nang maayos sa salamin ko, ibinalik ko na kaagad tayo rito," sabi ng driver.

Sinilip ng dalaga ang kanyang sarili sa salamin. Maayos naman ang kanyang repleksyon. Walang paraan para malaman kung totoo nga ang sinabi ni manong sa kanya. Pinasalamatan pa rin niya ang mama sa ligtas nitong paghatid sa kanya.

Tinandaan niya ang plaka ng jip bago siya tuluyang umalis.

Kumain muna siya sa isang kainan habang hinihintay ang kanyang tatay na dumating para samahan siyang maglakad pauwi.

Makalipas ang ilang linggo, naglalakad ang dalaga sa loob ng campus isang hapon nang makita niya sa isang aksidente sa daan. May nagbangaang kotse at jip. May mga rumesponde na ring pulis.

Habang padaan siya, narining niya ang isa sa mga pulis na sinabi sa ka-baro niya na madaming masugatan at 'yung driver ng jip ay napuruhan. Dead on the spot daw.

Patuloy lang siyang naglakad. Naisipan niyang lingunin muli 'yung aksidente. Doon niya napansin ang plaka ng jip - 'yun 'yung jip na nasakyan niya noong gabing iyon.

Kung totoo man 'yung kuento ni manong driver sa kanya, mukhang hindi pala 'yung dalaga ang totoong habol nung masamang espirito noong gabing iyon.

Sumalangit nawa si manong.

:::::
If you liked this chapter, HIT THE VOTE BUTTON! It helps every Wattpad creator whenever you do so!
:::::

JeepneyWhere stories live. Discover now