Sequel

1 1 0
                                    








"Ay bes! Tingnan mo ang pogi niya talaga oh?" Sabi sa'kin ni Nadine. Jusko tong babaeng toh' kelan kaya siya titino? "Uy Maxi eto pa oh! Jusko mahihimatay ako dito ng wala sa oras."

"Mabuti na nga siguro at mahimatay ka na ngayon." Sabi ko sakanya ng hindi siya tinitingnan, hinihintay ko kasi yung text sa'kin ni Matt hanggang ngayon wala pa. "Oh nakasimangot ka nanaman jan, sabi sa'yo hindi nga yan mag re-reply sa'yo. Ikaw si tanga umaasa ka jan eh."

O edi tanggap ko na tanga ako, sige ako na tanga.

"Siguro nung na—" Pinutol ko ang sasabihin sa'kin ni Nadine. "Pwede ba? Oo na sawang-sawa na ko jan sa sinasabi mo wala na bang bago?" Napatahimik nalang siya at nag kibit balikat.

Tinapos ko nalang ang mga dapat kong gawin para bukas. Ang dami naman kasing pinapagawa ng teacher namin sasabog na yung utak ko. "Sino ka groupo mo sa Science?" Tanong sa'kin ni Nadine. Buti nga tumahimik siya simula nung sinabi ko yung kanina eh. Ngayon nalang ulit nag salita may ginagawa din kasi. "Ewan..."

"Hala ka bakit di mo alam? Eto ang tamad mo talaga."

Minsan nag tataka na talaga ako kung totoo ko ba talaga tong kaibigan o nakikipag plastican siya sa'kin. Jusko paano ko ba ito natiis?

"Pwede ba, kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka nalang jan? Iritang-irita na ko sa boses mo bes. Nakakasawa na."

"Mahal mo naman ako eh, diba?" Inirapan ko nalang siya at tinuloy ang pagagawa ko ng assignment. Ih natatamad na talaga ako pag Science ang pinag uusapan.

Dahil nga tamad ako gumawa ng Science homework ko ay nag computer muna ako dito sa may library ng school namin. I opened my facebook account and saw 88 new notifications and 23 new messages. I checked the messages first syempre.

Nag scroll lang ako ng nag scroll because puro group chat lang pala and it's for our projects kada may bagong group sa classroom namin may bagong group chat nanaman kaya tadtad na ng group messages messenger ko eh.

Pero there's this one name I saw. And it's my long time best friend. Miss ko na siya.

I opened our chat.

Rafael Sanchez: yo max! i missed you already. how u doin'?

Napangiti ako sa message niya sa'kin. Buti pa siya di niya ako kinakalimutan.

Maxene Robyn: hi el! miss na rin kita:( eto stressed na stressed sa physics. kung andito ka lang kasi edi sana sa'yo ako nag pa tutor eh.

Nung mga bata pa kasi kami niyan, grade school siya nag tuturo sa'kin kapag may nahihirapan ako sa subjects ko. Ngayon na'y nasa Canada siya ako nalang talaga ang nag aaral mag-isa.

Ang lonely maging loner.... joke I have my family and Nadine, Ally and also him.

Jusko Rafael kelan ka kasi babalik ng Pinas?!?

"Hoy!" Napalingon naman ako sa sumigaw. Nakakainis talaga tong si Nadine kahit kelan.

"Ano ba?!?" Iritang sabi ko sakanya sabay balik ng tingin sa computer. "Maxi bes, baka gusto mong pumasok sa next subject natin ano? Tapos na lunch time... hindi tayo pa-pasukin ni Premitivo niyan." Napatingin ako sa orasan sa baba ng screen ng computer.

Shit. Oo nga ma le-late na kami, I take one last glance at the computer, kanina pa palang offline si El. "Dalian mo naman."

I logged out my facebook account and we started leaving the Library. Buti nalang talaga at hindi kami sinita ng Librarian kasi wala naman siya so ok lang *laughs internally*

Habang tumatakbo kami ni Nadine papuntang kabilang building ay nadapa eto sa staircase at nahulog pa ang ilang librong dala-dala neto. Hindi ko naiwasan na matawa dahil sa pangyayari. "Gago ka? Kung tulungan mo kaya ako dito ano? Tawa-tawa ka diyan late na nga tayo eh."

"Ang sabihin mo lang lampa ka kaya ka nadapa ako pa tong sinisi mo. Akin na nga!" At tuluyang kinuha ang ilang libro sa kanyang kamay niya nag lakad nalang siya habang ako patuloy parin sa kakatakbo.

Bakit ba naman kasi ang layo ng Canteen at Library sa classroom namin? Malas lagi eh.

I tried turning the nob clockwise.

Naka lock na putangina. "Sabi na mala-lock-an tayo ng bakl—" Hinampas ko agad ang kanyang braso. Ang gaga hindi manlang naisip baka may maka rinig sakanya dami pa naman minions ng Teacher na yun naka aligid lang dito. Mamaya isumbong pa kami edi C ang grade namin dun.

"Aray! Ano ba?!?" Hinampas ko ulit yung kanyang braso ng mas malakas ngayon. "Ang ingay mo kasi! Baka mamaya may makarinig sa'yo jan sumbong pa tayo na pinag chi-chismisan natin siya."

Tinarayan niya nalang ako "Eh bakit? Totoo naman kasi. Tsk"

Sumilip kami sa salamin sa may pintuan namin nakita ko naman agad si Ally na biglang napasilip sa labas. Specifically, saamin ni Nadine.

Tinaasan niya kami ng kilay. Para bang alam niya na na-lock-an kami ng pintuan ng TLE teacher namin.

Inilingan niya lang kami ng ulo. Nakita naman namin na biglang napatingin si Premitivo sa'min at biglang lumapit. Lumayo agad kami ni Nadine malapit sa may pintuan at tumayo ng tuwid. "Hoy kayong dalawa late nanaman kayo sa klase ko!" At tinaasan kami ng kilay. Husmiyo. "Na late po kasing kumain tong si Nadine, Sir."

Para bang nagulat si Nadine sa sinabi ko at akmang babawiin ang sinabi ko. Bigla naman napa tingin si Sir Premitivo sa side ni Nadine.

Kahit kelan talaga tong baklang toh inggit sa kagandahan ng mga babae. "Sa su-sunod na ma-late ulit kayo sa klase ko minus 20 na agad kayo sa'kin."

"Lagowt!"
"Kaya ko!" Para bang hinahamon niya kami sa tingin niya. Jusko sanay na kami jan, wala ng bago.

"So our topic for today is Priority. So, Ms. Matsumoto give me 5 things you prioritize in your daily life since you and Nadine are late in my class AGAIN."

5? Jusko madami akong priority kaso hindi ko pwedeng sabihin yung iba kasi pag sinabi ko aasarin lang naman at lalaitin lalo na pag binuksan ang topic na KPop.

Tumayo ako para sagutin iyon. "My top 5 priorities. After coming home from school, I go to sleep then eat snacks after /changing my cloths after coming home from school is already excused, who sleeps with their uniforms?/ do my homeworks, fourth eat dinner and lastly is scroll through my phone and talk with my internet/friends." Jusko kulang... dapat may "listening to catchy music like KPop mucic."

Sunod din na tinanong si Nadine. Ganun din ang tinanong sakanya. Medyo mag ka parehas kami ng sagot since gaya-gaya talaga siya.

*Rings*
•———————————————•

[A/N] : so the prologue is done. omfg sorry for the lame update wala kasi ako maisip HAHAHAHA baguhan pa lang po talaga ako sa ganito. (kahit hindi— di lang talaga marunong).

nakaka sad lang kasi kung kelan ko toh ginawa saka naman may nangyari sa mag ka-kaibigan. oh well itutuloy ko parin eto dahil na simulan ko na, sana abangan niyo parin even though it's lame and so, yun lang. :'>

Love y'all~ 사랑해 친구 얔ㅋㅋㅋ🤙🏼💗

— allyein

Before, I Dive Right Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon