"SAKAYAN"

7 0 0
                                    

hindi ko akaling magiging close tayo

pano ba naman kasi sobrang sungit mo

hindi nga kita kayang lapitan

o kahit na makausap man lang

ngunit lahat 'yun biglang nagbago

simula ng tayo'y maging magkagrupo

unti-unting sayo'y napalapit

buti nalang talaga hindi kana masungit

araw-araw nalang sana may praktis

kahit anong pagod kaya kong matiis

makausap ka lang at makakulitan

susulitin ko hanggang mag-uwian

ang bait mo pala sobra

ang akala ko mataray ka sa una

dahan-dahang nahulog sayo

"sana ganun ka rin sakin" 'yan ang hiling ko

umamin ako sa matalik mong kaibigan

sa una balak pa kitang iwasan

baka kasi hindi mo ko gusto

kaya ititigil ko na sana 'to

payo niya 'wag kang layuan

'yun pala kasi meron ka na ring nararamdaman

naisip ko tuloy kung bagay tayo

sa ganda mo kasi, may mas bagay pa sayo                            

uwian noon at malapit na dumilim

sayo ako'y nagtapat ng lihim

"gusto kita!" 'yan ang sabi ko

pero wala akong nakuhang sagot galing sayo

akala ko ikaw ay aamin na

at sasabihin mong "gusto din kita"

pero kahit na wala kang sabihin

ramdam kong ako'y gusto mo rin

mula noon sinuyo na kita

pinilit ihatid kahit na ayaw mo pala

at dahil 'dun nagalit ka

nararamdaman mo'y nawalang bigla

kinaumagahan matapos ang nangyari

hindi ako nakaramdam ng pagsisisi

gusto ko lang masiguro ang iyong kaligtasan

kaya pilit kitang hinatid d'yan sa may sakayan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"SAKAYAN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon