6

2.6K 73 5
                                    

"DO YOU MIND if I join you?"

Napapitlag si Caine nang makarinig siya ng tinig. Halos wala sa loob na napatingin siya kay Nita na hindi niya namalayang nakatayo na sa gilid ng kanyang lamesa. May bitbit na maliit na tray ang may-ari ng coffee shop.

"No, I don't mind, Nita. Join me," ang sabi ni Caine. Sinikap niyang ngitian ang babae na hindi niya namalayan na na-miss din pala niya.

Saka lang inilapag ni Nita ang dala nitong tray at naupo sa kanyang harap. Hindi na muna niya inalam kung nasaan ang kanyang Elora sa kasalukuyan. Bahagyang naglaway si Caine nang makita ang masasarap na slices ng cake sa kanyang harapan. They were far from being healthy and sugarless. Iniusog nito sa kanya ang mga cake na iyon at pinagbigyan na ni Caine ang sarili.

"Akala ko ay hindi ka na bibisita rito," ani Nita, bahagyang nahihiya ang tinig. "Naiintindihan ko naman na mahirap para sa 'yo ang sitwasyon."

"Hindi ko rin plinanong magpunta rito. Naglalakad-lakad lang ako. Hindi ko namalayan na nakarating na ako rito. O subconsciously ay gusto ko talagang magpunta rito. Kahit na alam kong pahihirapan ako ng mga alaala niya."

"I'm really sorry, Caine." Mas mababakas sa tinig ni Nita ang dalamhati kaysa ang simpatya at awa. Nabatid ni Caine na hindi lang siya ang nagdurusa kundi lahat ng taong naging bahagi ng buhay si Elora.

"Yeah," ang tanging naitugon ni Caine dahil kahit na maraming ulit na niya iyong narinig ay hindi pa rin niya malaman kung paano sasagutin.

Sa loob ng ilang sandali ay tahimik lang silang magkaharap sa mesa. Tahimik na kinain ni Caine ang cake. Hindi niya sigurado kung paano makikipag-usap kay Nita na mukhang hindi rin nito malaman kung paano mag-iingat sa kanya. They were friends that were so comfortable to each other. Siguro ay ito ang unang pagkakataon na nag-usap sila na sila lang. Sa mga nakaraan ay palaging active participant si Elora. Palaging naroon si Elora.

"I'm okay," ang sabi ni Caine kapagkuwan. "Just not now. I'm getting there. Working hard on it." Sinikap niyang ngumiti pagkatapos. Hindi naman siya nagsisinungaling.

Gumanti ng ngiti si Nita. "Masaya akong marinig iyan."

"Maraming salamat sa mga cake na regular mong ipinapadala sa school. The kids love it."

"Iyon lang ang naisip kong magandang paraan para mag-reach out sa 'yo. Gusto kong tumawag at bisitahin ka pero nag-aalangan ako. I feel like I'd remind you so much of... her."

"You and your shop remind me so much of the happy times. Sa spot na ito ko siya kinumbinsi na maging magkaibigan kami."

"Sinabi nga niya sa akin. Naaalala ko na maraming ulit niyang sinabi na hindi magandang ideya na mapalapit kaagad sa isang lalaki. Ang sabi ko noon, makakatulong ang isang lalaki para makalimutan niya ang tungkol sa ginawa ng ex niya sa kanya. A good diversion. Someone to be with habang binubuo niya ang nawasak na self-esteem. Pero ang sabi niya ay boyfriend material ka raw. Hindi ka raw katulad ng ibang mga lalaki na puwedeng gamitin. Alam niya na hindi pa siya ready na sumugal uli. Hindi siya ready na makipagsapalaran kahit na parang mabuti kang lalaki. She wanted to be cautious sa next relationship niya. Mapanganib pa rin pero nakipagkaibigan pa rin siya sa 'yo. Kasi para raw magaan ang lahat kapag magkasama kayo. Kasi parang ang daling maging masaya. Ang daling dumaldal. Sa maniwala ka at sa hindi, hindi siya madaldal sa ibang tao kagaya ng kung gaano siya kadaldal sa 'yo. You were her best friend and you were also so much more. You were the love of her life."

Nanakit ang lalamunan ni Caine sa pagpipigil ng mga luha. Naninikip din ang kanyang dibdib. Nasabi na sa kanya noon ni Elora ang iba sa mga binanggit ngayon ni Nita pero iba pa rin pala ang pakiramdam na mapaalalahanan.

Someone Like You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon