Ayan na ang bukang-liwayway,
Simbulo ng bagong kabanata ng buhay;
Simula nanaman ng bagong paglalakbay,
Paglalakbay na tila walang humpay;
Bukang-liwayway saki’y pinapakita,
Na sa bawat kabanata may bagong pag-asa;
Pag-asa na sa Diyos nagmumula,
Kung ikaw lamang ay mananampalataya;
Ano mang pagsubok ang ‘yong kakaharapin,
Sa bukang-liwayway na darating;
Palagi mong pakaisipin,
Panginoong Diyos ay karamay na maituturing;
Huwag matakot harapin ang bukang-liwayway,
Dahil Diyos ang 'yong karamay;
Hanggang sa dulo ng ‘yong paglalakbay
Siya sayo’y aalalay;