''PROTEKSYON"

21 0 0
                                    

Panginoon ikaw aking proteksyon,

Sa mga problemang walang solusyon;

Mga pagsubok na saki’y binabato,

Ikaw o Diyos ang sumasalo!

Bagama’t ako’y pasaway,

Lagi Ikaw saki’y umaalalay;

Ikaw Panginoon aking gabay,

Sa takbo nitong ng aking buhay;

Panginoon ako sayo’y nanampalataya,

Sayo ibinibigay buong-buong pagtitiwala;

Sa mga unos na darating hindi matatakot,

Dahil ikaw o Diyos aking payong at salakot.

Sa mga giyerang aking tatahakin,

Nawa ako’y iyong alalahanin;

Pananggalang sa kalaban ibigay mo sakin,

Kalakasang kinakailangan ipagkaloob mo rin.

Proteksyon kita oh Diyos,

Biyaya mo saki’y binubuhos;

Kailanman hindi ka nagkulang o kinapos,

Pag-ibig mo saki’y puspos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

''PROTEKSYON"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon