Another Chance (One Shot)

106 8 7
                                    

I'm Cindy Kammile Vargas. Best friend ni Lauren.

Nandito ako sa school ngayon. Alone. Kasi naman itong best friend ko nagka-lovelife lang kinalimutan na ako.

"Maisie patulong naman oh?" sabi ko kay Maisie, pinsan ni Lauren na kaklase namin. Nagkakabisado kasi ako ng declamation piece ko para sa darating na Foundation week ng school namin.

"Sure doon tayo sa cafeteria." sabi niya sa akin. Pumayag na rin ako since lunch break naman namin.

Kasalukuyan kaming nagpapractice ni Maisie nang may inalok sa akin si Ate Rianne. Isa sa mga kaclose ko na schoolmate.

"Gusto mo?" tanong niya. Di naman ako nahiyang kunin iyon dahil close naman kami.

"Hindi ako nagbigay niyan ah. Pinabigay lang sa akin." sabi niya pagkakuha ko ng dalawang candy.

"Sino nagbigay nito?"

"Secret! Basahin mo na lang yung message sa likod nung candy para malaman mo." Sabi ni Ate Rianne bago umalis.

Binasa ko naman ang nakasulat sa likod nung candy. Yung isa 'I'm sorry' yung nakasulat, tapos yung isa naman 'I like you'. Sino ba nagbigay nito?

"Si Kuya nagpabigay niyan." sagot ni Janine na dumaan sa gilid namin.

"Teka Janine!" tawag ko kay Janine dahilan para bumalik siya sa kinaroroonan ko.

"Si Gab talaga nagpabigay nito?" tanong ko sa kanya.

"Oo. May gusto sayo yun since nagtransfer ka dito." sabi niya at umalis na.

Omg! May gusto sa akin yung isa sa mga heartthrob ng campus!

"I'm sorry? Bakit I'm sorry?" tanong sa akin ni Maisie pagkatapos basahin yung nakasulat sa likod ng candy.

"Wala 'yun."

"Please Cindy... Di ko naman ipagsasabi eh." pilit sa akin ni Maisie na nakapagpapayag sa akin. Wala rin naman siyang pagsasabihan nito eh. Never naman kasi siyang nagbreak ng promise.

"Dinare kasi ako ng pinsan mo na 'wag pansinin si Gab for two weeks. Napapansin daw kasi niyang laging nakatingin sa akin si Gab. Which is pabor din sa akin kasi ayokong paasahin si Gab."

"Ayaw mo kay Gab?"

"It's not that I don't like him. Alam mo naman siguro yung tungkol sa boyfriend law ko di ba?"

"Yah. About that. Yung bawal kang magboyfriend until you finished your studies. So 'pag ba wala nun, may pag-asa bang sagutin mo si Gab?"

"Depende."

"May gusto ka ba sa kanya?"

"Wala eh."

"Grabe ka naman. Baka kainin mo yang sinabi mo sa future."

"No I won't. Di ko naman siya gusto eh. And isa pa, ayoko sa mas matanda sa akin. Gusto ko yung kaedad ko lang."

"Okay. Sabi mo eh. Pero pinapaalala ko lang, hindi mo mapipigilan ang puso kapag tumibok na yan. Mawawala yang mga standards mo."

"Hindi mangyayare yun. Aayusin ko ang pagpili." sabi ko sabay ngiti ng parang sigurado ako sa mga susunod na mangyayari.

Kinukulit pa rin ako ni Gab hanggang ngayon. Pero hindi niya naman ako kayang lapitan. Kaya ayun, sa chat o sa sulat mangungulit. Ipapadala niya pa yung sulat sa mga kaklase niya. Hindi man lang niya inisip na pwede siyang makaistorbo ng iba sa ginagawa niya.

"Cindy sinong partner mo sa prom?" tanong sa akin ni Lauren.

"Hindi ko pa alam eh. Wala pa namang nagyayaya sa akin."

Another Chance (One Shot)Where stories live. Discover now