Chapter 7- Saturday

56 1 0
                                    

[ KINTREV'S POV ]

Kahapon. Bago siya umalis ng bahay, Sabi ko twitter o facebook nalang kami. Pag ka dating ng pag ka dating ko sa kwarto, Nag palit na ako ng pambahay. Chineck ko muna ang facebook ko tinignan ko kung online siya. Tas yun yes online na. Bago ako mag chat may lumitaw agad na pangalan sa chat box

KREVIN DERLAN 

" Hello bes! " Yan agad sinabi niya sakin hahaha naunahan ako. Mag t type palang ako eh.

"Uy hi!! Naunahan moko ah mag t type palang ako eh " Haha sabi ko.

" Hahaha sorry :P " Sabi niya

Halos 1 hour rin kami nag usap ni Krevin. Hayy miss ko na agad tong lalaking to. 

" Uy bes bye na muna ha? Andito na si mama eh " Sabi niya sakin.

" Ah osige. byebye! :) " Sabi ko then nag offline na siya. Edi nag offline narin ako then pinatay ko na yung laptop. at nahiga na sa kama ko.

*****

later

Hmm may kumakatok sa pintuan ko kanina pa. Pag ka tingin ko sa relo 10:00 am na. Hala!! Bat ang tagal kong natulog?! Nakatulog na pala ako kagabi. :o Medyo pagod narin ako siguro kasi nung club time.

" Kintrevs anak? Gising kana ba? " Hmm alam ko si mommy to. Kaya tumayo na ako sa kama ko para buksan yung kwarto.

" Opo ma " Then binuksan ko na yung pintuan. Umupo sya sa sofa.

" Naistorbo ko ba ang princess ko? " Tanong sakin ni mama. Princess parin hahaha

" Ah hindi nmn po ma. " Sabi ko

" Sabi kasi ni Manang hindi ka daw kumain kagabi eh " Sabi sakin ni mom

" Ah onga po mom nakalimutan ko po kasi nakatulog agad ako eh. " Sabi ko.

" Gusto mo ba mag mall ngayun anak? " Tanong sakin ni mom

" Wala ka po bang duty ngayon mom? " Tanong ko

" Ah wala anak. Ang assistant muna ang nakabantay sa salon at yung mama ni krevin. " Sabi niya sa akin.

" Ah osige po mom " Sabi ko. Gusto ko rin mag mall eh medyo matagal tagal narin nung hindi kami naka pag bonding ni mommy.

" Okay pero kumain ka muna then mag prepare kana ha? I'll wait for you anak. Dun muna ako sa garden patawag mo nalang ako pag ok kana ha? Mag s skype lang kami ng Dad mo " Sabi niya sakin then she left my room na.

Andito na ako ngayun sa dining area. Habang kumakain ako naiisip ko si dad. Miss na miss ko na siya hayss. Pero ok lang sabi niya sakin nung nag skype kami malapit na daw siya dumating eh. Naka boracay based daw kasi siya ngayun. Medyo busy daw siya eh. Pero ok lang naiintindihan ko naman.

" Ms Kintrevs, Hindi po kayo kumain kagabi ah " Sabi sakin ni Kuya Jr. Yung chef ng bahay namin

" Ah yes po, nakalimutan ko po kasi eh " Sabi ko

After ko kumain pumunta na ako sa room ko to take a bath. Then after 40 minutes tapos na ako at andito na ako sa walk in closet ko. Hayysss ang hirap pumili. So ayun simple tshirt na black then camouflage print na pantalon at Dc. Martens na maroon color. Nag suklay na ako then nag apply ng powder. 

Pumunta na ako sa garden namin para sabihan si Mommy. Sakto tapos na sila mag skype ni dad. Pinapakamusta nalang ako ni dad. then sabi niya kay mom malapit na daw siya umuwi. 

Andito na kami sa car namin. Sabi ni mom siya nalang daw mag drive para hindi na mapag hintay ang driver namin. Kasi daw baka matagalan kami ng pag shopping.

After 30 minutes

Andito na kami sa ayala mall. Anlaki rin neto. Kaka park lang ni mom sa parking lot. Then pumasok na kami sa entrance ng mall.

Every makita namin na cute store, Pinapasok namin. Andaming binili sa akin ni mommy. Shoes, bags, accessories, Clothes, and other stuffs. ganun rin yung nabili niya

Andami na naming bitbit hahaha. Nag enjoy ako kasama si mom sa pag shopping kasi minsan ko lang naman siya makasama eh kaya sinulit na namin.

Habang nag lilibot kami may nakita akong rilakumma store! Wahhhh ang cute cute cute talaga ng mga rilakkuma stuffs! <3 

" Mom pwede punta tayo sa store na yun? Ayun oh yung mga panda stuffs " Sabi ko kay mom

" Ay onga no. Ngaun ko lang napansin yan ah. Mahilig ka parin sa rilakkuma until now. Haha sige let's go " Sabi sakin ni mommy then nag lakad na papuntang rilakumma store.

Binili ko yung rilakkuma bear at ibang stuffs.... Kyahhh!! Ang cute

Tuwang tuwa ako na parang bata. Dagdag nanaman sa collection ko <3 

Pag tapos namin mag libot nag Ice cream parlor nalang kami. Inorder ko cookies n cream ganun narin kay mommy. 

" Nag enjoy ba ang princess ko? " Tanong sa akin ni mommy. Princess parin. Hmm pero masaya ko super. :)

" Yes mom super nag enjoy po ako. Thankyou po ngayun mommy ah Sayang po wala si dad. " Sabi ko medyo nalungkot ako.

" Anything for you, My princess. Ah don't worry about your dad anak. He's fine naman daw dun. Sinabi niya rin sakin na medyo malapit na siya umuwi. Inaasikaso lang yung company nila. " Sabi sakin ni mom.

" Ah okay po mom. Namiss ko lang po si daddy " Sabi ko

" Pinapakamusta ka rin niya sakin. Sayang kanina kasi kelangan na daw niya umalis kasi may aayusin pa daw sila eh " Sabi sakin

Pag tapos namin kumain, umuwi na kami.

Dumiretso na agad ako sa room ko nung pag kauwi ko then nilagay ko na mga bago kong bili sa walk in closet ko. Then yung rilakkuma stuffs? Inayos ko na rin sa stall nila. Then yung malaking rilakkuma bear, Nilagay ko sa sofa ko. Ang laki nga eh nahirapan ako kanina buhatin. 

Ang saya ngayun araw grabe. <3 Hindi na ako kumain ng dinner kasi busog na ako eh. 

****

later

[ KREVIN'S POV ]

Kanina ko pa minemessage si kintrevs. 6:30 pm na Kaso hindi pa siya nag rereply eh. Siguro umalis sila ngayun kasi tinext ako ng mom ko wala daw yung mom ni kintrevs sa salon. Kaya siguro nag bonding sila. Hayy hindi ko nakita si Kintrevs ngayung araw. Nakakamiss yung babaeng yun. 

after 5 minutes

Nakita ko siya na nag post na sa wall na jgh daw. Ahh galing sila sa Ayala mall. medyo malayo yun dito sa amin. 30 minutes ata byahe i think?

Then nag popped out name niya sa chatbox 

" Hey bes. Sorry ngayun lang " Sabi niya

" Ah okay lang. Musta araw mo? :) " Tanong ko

" Ang saya saya bes! Nag libot kami sa ayala mall. bumili kami ng kung ano ano at guess what? Meron nanaman akong rilakumma stuffs! <3 " Sabi niya. Halatang tuwang tuwa siya lalo na sa rilakumma stuffs. Favorite na favorite niya yun eh. Sa kwarto niya may stall na puro rilakkuma dun.

" Ah nice naman bes, dagdag nanaman sa collection " Sabi ko

" Onga bes eh. Bes byebye na ha! Ayusin ko lang mga gamit ko. Babay! Goodnight! " Sabi niya sakin

" Sige bes byebye gooodnightt " Sabi ko then nag offline na ako at pinatay ang laptop.

Tapos na ako kumain ng dinner. Nag patugtog nalang ako. wala kong magawa eh. Wala si mom 10:00 pa daw ang uwi niya.

Hindi ba kayo nag tataka kung asan ng dad ko? Ang dad ko kasi diba manager sa kumpanya sa ibang bansa that's why. Every other month lang siya umuuwi dito. Medyo busy kasi siya dun eh. Pero nag papadala siya every week ng kung ano ano. Miss ko narin ang dad ko. Gay ba? Sorry na pero miss na miss ko na  siya.

Natulog nalang ako ng maaga ngayun. 

-----------------------------------------------------------------------------------------

AN: Nagustuhan niyo po ba? Yung mommy po ni kintrevs yung picture sa gilid. :) 

One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon