THIRD PERSONS POV
"Uwahhh!!!Uwahhh!!!"
Kapapanganak pa lamang ng mahal na reyna sa kanyang unang sanggol.
"Mahal na reyna at hari,babae po ang anak niyo"sabi ng nagpa-anak sa kanya.
Binigay ng nagpa-anak ang sanggol na babae sa reyna. Laking tuwa ng mahal na reyna na babae ang anak niya. Matagal na niyang pinangarap na magkaanak siya ng babae pero lagi na lang nalalaglag.
" Kamukha mo siya mahal ko"sabi ng hari sa kanyang asawa.
"Tange,kamukha natin siya mahal ko" sabi ng reyna sa hari.
"Ano ang ipapangalan natin sa anak natin mahal ko?"tanong ng hari sa kanyang asawa.
Ngumiti muna ang reyna bago magsalita. Pinag isipan na niya talaga kung ano ang ipapangalan niya sa kanyang magiging anak na babae.
"LITANIA ALLISON HEAVEN"saad ng mahal na reyna.
Ngumiti naman ang mahal na hari sa kanyang asawa,nagpapakita na sumasang ayon siya sa kanyang asawa.
Habang masaya ang mahal na hari at reyna ay biglang dumating ang isa sa kanilang sundalo.
"Ma walang galang na po mahal na hari at reyna,andito po si Propesiya gusto niya po kayong makausap"sabi ng sundalo.
Nagkatinginan naman ang mag asawa at pumayag naman sila dahil matalik na kaibigan nila ito. Si Propesiya ay may kakayahang makita ang kinabukasan mo sa pamamagitan ng paghawak lamang.
"Papasukin mo siya" sabi ng hari.
"Masusunod po mahal na hari" sabi ng sundalo at umalis na.
Maya maya lang ay dumating na si Propesiya. Pinaalis muna ng mag asawa ang kanilang mga alipin.
"Bat ka naparito kaibigan ko?"tanong ng hari.
"Gusto ko sanang makita ang magiging inaanak,pwede ba?" sabi ni Propesiya.
Tumango naman ang mag asawa at binigay kay Propesiya. Pinagmasdang mabuti ni Propesiya ang maamong mukha ng sanggol. Alam niyang maraming pagsubok ang darating sa buhay ng sanggol. Gusto niyang protektahan ito pagdating ng panahon.
"Propesiya may problema ba?"tanong ng reyna.
Nagulat naman si Propesiya sa sinabi ng reyna. Hindi siya pwedeng magsinungaling dito dahil matalik na kaibigan niya ito simula bata pa sila. Halos kapatid na ang turing nila sa isat isa.
"Sabihin mo sakin kung ano ang nakikita mo sa anak namin" aniya hari.
Binigay muna ni Propesiya ang sanggol sa reyna bago niya sagutin ang mga tanong nito. Pagkatapos ay umupo sa tabi ng reyna.
"Litania Allison Heaven ba ang pangalan ng sanggol?"tanong nito.
Tumango naman ang mag asawa. Pumikit muna si Propesiya at pagdilat ng mata ay naging puti ito lahat.
"Ang anak niyo ay lalaki na maganda,matalino,mabait,makulit, pilosopo nga lang,mapagkumbaba kaninuman, at palakaibigan pero hindi siya madaling magtiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Hinahangaan siya lahat ng mga tao dahil sa angking taglay nito na katangian. Lalo na ang kanyang kapangyarihan,maraming maiinggit at maraming gustong makuha siya.
She's the powerful of all powerful and she's the goddess of all goddess. She's maybe the new life or end of all life.
May mga taong gustong gusto siyang makuha,kaya kailangan siyang protektahan kahit anong mangyari. Maraming gustong pumrotekta sa kanya at marami ring gustong pumatay sa kanya.
There will be a coming war,pero di pa siya pwedeng lumaban dahil di niya pa kaya. Kaya kailangan niyang pumunta sa Mortal world o mundo ng mga tao upang maligtas siya. Pero babalik rin siya kapag maganap na ang ikalawang digmaan."
Pagkatapos sabihin ni Propesiya ang mga salitang yon,ay bumalik na ang kanyang kulay ng mata.
"Aalagaan namin siya at babantayang mabuti Propesiya,salamat sa sinabi mo kaibigan"
"Tutulong rin akong magbantay sa inaanak ko mahal na reyna"sabi ni Propesiya.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mag-asawa,hindi lahat sinabi ni Propesiya sa kanila ang kanyang mga nakita sa sanggol.
Hindi niya sinabi na maaaring magkagusto ang prinsesa sa isang mortal na maaaring maging sanhi ng kahinaan ng prinsesa.
------------------------------------------------------
Queen Litany and King Alex is on the media
YOU ARE READING
THE LOST POWERFUL PRINCESS: MORTAL WORLD
FantasySiya ay isang makapangyarihang prinsesa. Siya ang nakasulat sa prophecy na makakatapos sa kadiliman at kasamaan. Siya ang prinsesa ng lahat na kaharian. Sa kahariang Langitania,kaharian ng mga anghel at diyos at diyosa. Pero pano kapag ang prinsesa...