2nd Quarter Exams Checking.Nakapaskil sa Announcement Section sa may room namin.
Kinakabahan ako dahil baka mababa at hindi ako pumasa sa mga test hindi kasi ako nagreview. Nakakatamad.
English lang ang madali at sigurado ako na papasa.
Sa Math ako pinaka-kinakabahan.
Pinasabi pa ng mga teachers na hindi daw yung testpaper ng section namin ang checheckan.
Yung magkakatapat na room ang section ayun ang magpapalitan ng papel para checkan.
Ang daming kaartehan yung last test naman namin hindi ganon eh yung mga teacher na mismo ang nag-checheck.
Kapalitan namin yung section Cupcake at yung papel naming section Cookies sila ang magchecheck.
7:30 na at sigurado padating na ang adviser namin para magbantay habang nagchecheck kami ng test papers ng iba.
Ang mahirap lang talaga kapag tapos mo nang checkan tapos may maling check ang nag-check sayo kailangan niyo pa yun puntahan sa room nila and then papirmahan dun sa nagcheck yung mismong number na may mali.
Pinapahirapan kami eh.
Pakilala nga muna ako.
Erxia Daniella Fracigan is the name.
Hahahahaha.
"Okay class let's start checking" andito na pala si Ms.
"Unang subject na checheckan ay Math sunod ay Science then Filipino then English last is Values bukas na yung iba pero ganito parin ang sistema ng pagchecheck sa kabilang room parin ang checheckan niyong papel"
"Wala tayong magagawa dahil ito ang sabi ng principal kahit mahirap kailangan natin gawin dalawang araw lang naman to" Patuloy pa niya daming satsat pwede namang magsimula na lang.
Dinistribute na ng president namin ang mga test papers .
"Bawal mamili ng checheckan , Fracigan dalawa checkan mo" pahabol ni Ms.
Pinag-check ako ng dalawang papel ni Ms. dahil may absent kami.
Ako kasi paborito ng teacher na yan na pag-checkin para daw malinis at hindi ko ineenjoy yun kada hapon pupunta ako sa may office niya checheckan lahat ng papel sa tinuturuan niyang ibang grade level.
Habang ako nag-checheck , siya naman nag-cacandy crush sa laptop niya.
Petmalu.
Pinasa na sakin ng nasa unahan ko ang mga papel then kumuha ako ng dalawa at nilagyan ko na ng check by.
Lagi naman ganon eh dapat may check by.
Binasa ko pangalan ng mga chinecheckan ko ang may-ari ay parehas lalaki.
Zachry Fairhon Escenedez
At
Yomerr Hurram
Well hindi ko sila kilala.
Pero kaklase ata to ng mga kaibigan ko.
Ata.
Chineckan ko na lang yon at ang yaas ng nakuha nung isa.
Zachry= 47/50
Yomerr= 37/50
Nakaka-bilib naman yung papel nung Zachry. Talino.
Kyah!Kyah! Pengtalino!
"Kyah!" tumili yung katabi ko habang nakatingin sa papel na chinecheckan ko.
YOU ARE READING
Test Paper (One shot)
RandomNaisip ko na lang to basta kay sinulat ko tong story na to. This is not based on a true story. Yung names gawa gawa ko lang din yun. And wag asahan na nakakilig siys kasi hindi ako marunong magpakilig. Then pag hindi mo nagustuhan yung story free na...