Minsan ka na bang nagmahal?
na akala mo siya yung taong hindi ka ilalaglag at iiwan sa ere, na siya yung tipo ng tao na mamahalin ka kahit hindi ka perfect.
Minsan ka na bang nasaktan?
dahil hindi ka naniwala sa mga totoo mong kaibigan, na akala mo siya na ang 'da one' at nag-iisang kakampi mo.
Minsan ka na bang naging tanga at naging martyr?
na pinapaniwalaan mo lahat ng kasinungalingan niya kasi mahal na mahal mo siya, na kaya mong isugal pati pamilya at kaibigan mo wag lang siya mawala.
Hindi ko inaasahan ang pagdating ng taong yun sa buhay ko. Marami akong mali na dapat itama, naging bulag ako dahil sa pagmamahal ko sakanya. Ano bang pagkakamali ko? naging makasarili ba ako? nagmahal lang ako, gusto ko sumaya sa piling ng mahal ko. Pero ano, wala. Wala akong napala, dahil sa lalaking yun---na siya ang tinuturing kong nag iisang kakampi, nawala lahat ng masasayang bagay na nangyari sa buhay ko. Lahat binago niya, pati ang ako.
Magagawa ko pa kayang..
itama ang pagkakamali ni Kupido? </3
