Uno

22 3 0
                                    

Hi mga readers! Edit ulit haha.Twisted love story ;))) Subaybayan ninyo sana. Paalala ko lang po,wala po siyang season 1. New story po ito,sadyang hindi ko na inungkat yung past nung bida. Kung sakaling may magtatanong yan na po.=) Enjoy! <3

-Singkeet

***

Pahina //Uno

Steffi Mari POV

Girl #1: Alam niyo na yung balita?

Girl#2: Wut? spill it.

Girl#3: Ano. Di mo alam sis? kalat na kaya sa buong university.

Girl#2: Kung alam ko edi kanina ko pa sinabi, tanga ka ba?

Girl#1: tama na nga yan! Oh eto na. Si francis Naco, yung sikat na volleyball at basketball player sa university..

Girl#2: Yung gwapo? Sikat kaya yun. Daming babaeng dinadate eh.

Girl#3: Yeah, may rumours about him girls. May babae siyang kasama lagi at take note hinahatid sundo pa! golly ang lucky nung girl. Meron pa! yung girl daw na yun eh nililigwan na niya. Siya pa ang nag announce, ang sweet diba? haha. Isabelle daw pangalan eh.

Girl#2: Grabe, gagawa na ako ng fansclub nila!

Girl#1: Pwe! Ang ganda daw nung girl eh.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Ayokong maniwala sa mga sinasabi nila, ayokong maging mahina. Siya na lang ang nag-iisang kakampi ko, lahat sila ganyan na ang sinasabi. Ayoko at dapat hindi ako maniniwala kasi may tiwala ako saknya, pero iba ngayon. Si Renjay pinakaunang lalaking nagmahal sakin ng ganun, tatlong taon na kami. Sabi nila, maganda ako at gwapo siya kaya bagay kami. Naalala ko pa nung araw na sinagot ko siya, yun na siguro ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pero ng tumatagal, hindi na siya nagiging sweet sakin. Hindi ko na pinansin yun at minahal siya ng sobra sobra.

Pinuntahan ko siya sa lugar na alam kong andoon siya.

Nakita ko siyang kasama nanaman ang babaeng yun.

Mamuntik na akong umiyak, pero ayokong ipakita na mahina ako. Iisipin ko na lang na magpinsan sila at walang malisya, pero bakit iba ngayon! Naiinis ako. Bakit siya kaya niyang ipagsigawan sa buong university pero ako.. Nilapitan ko sila.

"Ano ba Jaaaay! haha. Wag mo nga akong kilitiin haha may kiliti ako diyaaan." Sabi ng babae na may malanding tono.

"Aha! Alam ko na. Haha ikaw haa." at kinikiliti pa lalo ang babaeng nakahiga sa kanyang lap.

"Mahal na mahal na mahal na mahal kita Jaaay! Wag ka sanang magbago ha?" Humarap sakanya ang babae at papalapit ng palapit ang kanilang mga mukha.

"Oo walang iwanan, mas mahal na mahal na mahal kita isabelle!" Sabay ngiti ng pagkatamistamis. Nawala bigla ang kanyang matamis na ngiti noong napadako ang kanyang mga tingin sa banda ko. Agad niyang tinggal ang kanyang mga kamay sa babae at tumayo.

"Ste-steffi aa-anong ginagawa mo dito?" medyo gulat at pagalit na tanong.

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako noon. Ewan ko ba pero naubusan ako ng sasabihin at ang gusto ko lang ay tumakbo ng tumakbo.

Kinuha ko ang lahat ng lakas ko para makapagsalita, ayoko na. Nagsasawa na ako mag pretend na kaya ko. Ayoko na ng ganitong buhay.

"Renjaaaaaay, meron ba akong dapat malaman? dapat sinabi mo na sa'kin ng maaga para hindi naman ako nagmukhang tanga. Ikaw lang yung taong nagpapagaan ng loob ko, nagpapasaya sa'kin. Ikaw lang yung nag-iisang kakampi ko, pero bakit ginagawa mo sa'kin ito?! Ano bang ginawa ko sayong mali! Wala naman ha. Alam kong naging makasarili ako, wala na akong makakapitan. Wala na ang mga kaibagan at mga pamilya ko. Itinakwil na nila ako dahil sa sobra sobra kong pagmamahal sayo! Tapos ikaw? Dapat pala naging ako sakanila. ang tanga tanga ko talaga! ang engot engot ko! bakit ikaw pa? Tangina. Gago ka! Alam mo bang ang laki laki ng tiwala ko sayo? Sobrang laki. H-hindi buo ang araw ko pag di kita nakikita, pero anong ginawa mo? wala kang awa!"

Cupid's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon