[PARK JIMIN FF] ❤•••
I look once again at the million stars in the sky. They're shinning shimmering like a brilliant at nagpapaligsahan kung sino ang mas makinang sa kanilang lahat.
🎶Late at night
when all the world, Sleeping
I stay up and think of you
And I wish on a star
That somewhere you are
Thinking of me too🎶
I sing that as I still stare at the sky. Siguro nga ganyan ako ngayon na nangangarap na namang maging ako ang forever ng bias nya.
Eh bakit ba?
Do wish are true to be granted?
I mean, kapag nagwish ka ba sa isang falling star, magkakatotoo talaga? Siguro hindi agad agad at hindi talagang magagrant kung hihiga ka lang dyan at mag aantay na ibigay ang wish mo.
Sa kaso ko kasi, parang ayoko ng maniwala sa wish on a falling star na yan dahil sino ba ako para pagbigyan ng mga stars na yan kung maghapon magdamag lang akong nakatambay sa kama sa loob ng puting kwarto na ito?
Hayy.
Im a fangirl but a sick one kakatutok ko kasi sa computer, cellphone at halos wala na'kong mga outdoor activities ang ginagawa kaya dito ngayon ang bagsak ko.
Para akong fansite nim na tutok lagi sa mga computers at wala ng inatupag kundi ang mga bias nila. Ayun, nasobrahan kaya mga namamatay.
Ilang fansite nims na ba ng Bangtan ang mga namamatay?
Tingin ko nang dahil rin talaga yun sa pagiging lulong nila eh! Masama kaya yun sa katawan pero nakakabaliw naman kasi talaga ang bangtan na tipong pag nakilala mo sila, halos sa kanila na siguro iikot ang mundo mo lalo na kapag pinabayaan mo ang sarili mo.
Ako, hindi naman ako fansite nim kundi author ako. A Bts fanfic author to be exact. Halos lahat ata ng stories na sinusulat ko eh tungkol sa kanila. Sila ang bida, ang leading man at kami namang mga Army's ang leading lady.
Yan ang kinaadikan ko bukod sa pagkalulong sa bangtan.
Masyado akong nag enjoy sa fandom kasama ang mga kaibigan kong army na kahit hindi ko pa nakikita eh bestfriend na ang turing ko sa kanila. Mga nagkakainitindihan kasi kami eh kahit na alam namin ang limitasyon namin. Masaya parin kami at nagdadamayan parin.
Sana lang ay kahit isang fanfic story na sinulat ko ay magkatotoo pero hanggang sana na nga lang siguro talaga yun at never na mangyayari.
Haha asa ka pa kasi Kanarie! Live in reality na oy! At masyado mo ng naeenjoy ang imaginary world mo.
"Princess!"
Napatigil ako sa pag iisip ng may marinig akong maliit na boses na tumatawag. Hindi princess ang pangalan ko pero ako lang naman kasi ang tao dito sa kwarto ko.
Pero pwede rin namang nasa labas ang tumatawag kaya lang gabi na eh. Tulog na ang mga katabing kwarto ko at wala na rin namang nagraround na mga nurse O doctor.
Di kaya, waaaahhhh wala namang ganyanan oh!
"Princess!!"
Muling tawag ng maliit na boses na parang naipit lang na ewan.
BINABASA MO ANG
BTS One Shot Stories
FanfictionA BTS fanfic one shots requested by some Army's and Dedicated to all Army's.