Nandito ako ngayon sa opisina ng mas nakakataas dahil ipinatawag ako at tapos na daw kasi ang research sa aming mga target. Kaylangan ko ng mamili ng panibagong mundo, dahil nangangailangan na ako ng pera pansustento sa sarili ko.
"Nariyan kana pala" wika ng lider namin at naupo sa kanyang lamesa sabay lapag ng nagraramihang papel.
"Simulan muna" ani nya at inilahad sa akin ang mga papel.
Isa-isa ko itong tinignan, marami ito masyado kaya sya ang tinanong ko dahil ang kaylangan ko ay ang pinakamalaking presyo.
"Ang pinaka mahal, sino?" Tanong ko.
Agad nag taas ang kilay nito sa tanong ko.
"Ano nanaman ba ang bibilhin mo? Kadarag-dag mo lang ng kotse sa mga koleksyon mo nung nakaraan ah?" Kunot noong tanong nya.
"Yung tanong ko, sagutin mo" pakialamero.
"Sabagay, marunong ka banaman makuntento? hahaha" pagbibiro nya na ang dating sa akin ay insulto.
"Pwede ba Duke? Trabaho ang pinunta ko dito! Wala akong panahon sa mga biro mo!" Singhal ko, dahil konting konti nalang talaga..
"Osiya sige. Ayan! Nariyan ang hinahanap mo" sabi nya sabay lapag ng papel sa harap ko.
Tinignan ko ito at tumambad sakin ang larawan at imoprtanteng detalye ng buhay nito. Gaya ng birthday, address at family background.
Agad akong nagulat ng makita ko ang presyo nito.
Paanong yumamanan ito ng ganito? Napaka bata pa nya 17yrs. Old lang sya mas matanda ako ng isang taon.
"3 billions? Paanong--" pinutol nya nga ang sasabihin ko at nagpaliwanag.
"Ang batang yaan ay mula sa mayamang pamilya, kamamatay lang ng Lola nya at pinarte parte nito ang yaman nya.. At napunta sakanya ang pinaka malaki, ang sakanyang ina na nagiisang anak na babae ng Lola nya ay 2.5 billion at sa kapatid naman nitong lalaki ay 2billion at sa isa pang lalaki ay 1 billion ang napunta. Napag alaman rin namin na nagiisa syang babae at paborito ng Lola nya kaya sakanya napunta ang malaking halaga." paliwanag nya.
"Kung ganon ano ang gampanin ko?" Tanong ko.
"Napag desisyonan ng nakatataas na diskartehan mo ang babaeng yan. papatayin mo nalang at palalabasin naming aksidente ang lahat. Sa kahit na anong paraan at pwede" magulong paliwanag nya.
Diskarte? Panong diskarte ang tinutukoy nito?
"Diskarte?" Taas kilay'ng tanong ko ma parang kina taka nya.
"Susmiyo hijo, Diskarte! Ligawan mo! Jowain mo! Pikutin mo! Anoba naman yan? Naninibago ka ba? Parang ngayon kapa" sabi nya, sabay ayos ng mga papel.
Pinagmamasdan ko ang ikinikilos nya dahil parang naninibago talaga ako. Parang may mali sakanya.
Inabutan nya ako ng 3bundle ng pera."Paunang sahod yan. 300 thousand pang puhunan mo. Papasok ka sa eskwelang pinapasukan nya at enrolled kana roon, magsisimula ka bukas na bukas. Bilhin mo ang mga gagamitin mo"
"Masusunod." Ani ko at kinuha ang bundle ng pera at isinilid sa bag kasama ang papel na nag lalaman ng detalye ng aking misyon
"Mauuna nako" sabi ko at saka inihakbang ang aking kanang paa patalikod at saka humarap ng pakanan bago tuluyang tumalikod at makalabas mula sa silid.
Nang makarating ako sa parking lot ay agad kong tinungo ang aking kotse. Nang makapasok ako sa loob ay saka ko palang sinuri ang papel.
"Danelle yae Malpra" basa ko sa pangalan nya sabay ngisi.
You have the enough money to own me...
A/n:
Hiiii guysss!! Feel free to vote and comment. Hope y'all like mah story.
Labyah!
~drldle_grn
BINABASA MO ANG
Operation: kill her(ON GOING)
Teen FictionIsa akong bayarang tao. Hindi yon tulad ng iniisip mo, pero sin sama nila ako. binabayaran ako para pumatay ng inosenteng tao, kung sino ang mayaman, nag aari ng malalaking lupa at ari-arian mga ganong tao ang pinapatay namin, pero syempre kailangan...