Your Love ♥ (One Shot)

245 6 0
  • Dedicated kay Coleen >:)
                                    

INSPIRED BY: Camp Rock's This Is Me ♥

 

 

**********

 

 

Your love, your love, your love, your love, your love is all that I need. ♥ 

 

 

Kasalukuyang naglalakad si Bryan kasama ang mga kaibigan niya papuntang canteen. Recess kasi nila kaya malamang doon sila pupunta. Malapit na sila sa canteen ng malaman ni Bryan na naiwan niya ang wallet niya.

 

"Trick, balik muna ako classroom. Naiwan ko kasi yung wallet ko dun sa bag ko e. Una na kayo sa canteen. Susunod nalang ako." sabi ni Bryan sakanyang mga kaibigan.

 

Naglalakad si Bryan at nadaanan niya ang garden ng school. Napatigil siya ng may marinig siyang pag-strum ng gitara.

 

"I can never find the words to describe what you do to me"

 

Nagandahan ang binata sa mala-anghel na boses ng dalaga na nakasandal sa may likod ng puno.

 

"If I did it would sound like a hundred symphonies"

 

Alam ni Bryan kung ano kinakanta ng babae. Paborito niya kasi itong kanta. Nadala ang binata sa kanta kaya hindi niya namalayan na kumanta na rin siya.

 

"The sun would descend from the sky just to see who stole all his light and glory"

 

Nagulat si Bryan sa ginawa niya kaya agad siyang kumaripas ng takbo papuntang classroom.

 

Nakuha na niya ang wallet niya at nagmamadali siyang naglakad papuntang canteen nang bigla siyang mabunggo nang isang babaeng tumatakbo.

 

"Sorry." sabi sakanya ng babae at agad siyang nilagpasan nito.

 

Napatingin si Bryan sa dalaga na kasalukuyang tumatakbo palayo sakanya. Para siyang nagmamadali. Mag-o-audition siguro. Sabi ni Bryan sa sarili. May dala kasi siyang gitara.

 

Ngayon kasi ang pagpapa-audition sa Singing Contest ng school nila.

 

 

*** Uwian ***

 

 

Hinihintay ngayon ni Bryan ang kanyang sundo. Para hindi siya mainip, napag-isipan niyang maglibot muna sa school. Naisipan niyang pumunta sa garden. 

 

Nagbabakasakali siya baka marinig niya ulit ang boses anghel na kanyang narinig kanina. Umupo siya sa ilalim ng puno at ipinikit ang kanyang mga mata.

 

"I remember walking with you on that April night"

 

Napangiti ang binata ng marinig niya ang boses na iyon.

 

"I was cold and you knew it, you'd ask me if I'm alright"

Your Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon