My manly Luhan
"Whoo!"
"Go! Go! Go!"
"Ohorat!"
"Yehet!"-sigawan ng mga tao. Nanalo kasi yung grupo nila Luhan sa soccer. Si Luhan ay ang childhood bestfriend ko. Gwapo siya at sikat siya pati ang grupo niya. Manly? Hmm oo manly siya at mabait. Campus hearthrob din siya so crush siya ng bayan .... Bayan? yep kasama ako dun, crush ko rin siya. Marami akong nababasa sa mga stories na friends to lovers, totoo kaya yun? Magiging ganun din ba kami? Pero parang nakakatakot kasi kung naging lovers kayo pano kung nawala yun? Hindi lang naman ang relasyon ang masisira pati rin naman yung friendship. Ayokong masira ang friendship namin. Sobrang sweet niya, palagi nga kaming pinagkakamalan na couples eii pero di nalang namin pinapansin, nasanay na kami ei. Hindi lang kami ang magbestfriend pati parents namin kaya sobrang close ang family ko at family nila.
Napakilala ko na siya pero ako hindi pa haha so ito na .... Im Hana Lorraine, one of the school writer, bookworm and loves watching movies. Mahilig akong magbasa at magsulat kaya nga ako yung isa sa mga school writer.
Gusto niyo ba malaman kung paano kami nagkakilala? Ito sa mga curious...
Flashback~~
Naglalakad ako ngayon sa street namin tapos nakita ko yung isang lalaki mga kaage ko na siguro yun nilalaro niya yung soccer ball niya. Sinipa niya yun at
"Ouch!" -sabi ko habang hinhimas ang ulo ko.
Lumapit siya saakin at tinulungan niya akong tumayo.
"Okay ka lang ba? Sorry huh hindi ko naman sinasadya. Sumama ka saakin gagamutin natin yan"-siya
Ambait naman niya. Nalaman ko na sila pala yung bagong lipat naming kapit bahay at kasalukuyang nilalagyan na ng ice bag ang ulo ko. Doktor daw ang daddy niya, konting bukol lang naman daw kaya baka bukas ayos na to.
"Sorry ulit kanina. Ano nga pala pangalan mo?" -tanong niya saakin
"Hana Lorraine"-ako
"Ang ganda naman ng pangalan mo. Ako naman si Luhan, kami yung bagong lipat nyong kapit bahay. pwede ba tayong maging magkaibigan?"-siya
Dahil only child lang ako wala ako masyadong nakakalaro, malayo naman dito ang mga pinsan ko, ang mga parents ko naman ay super busy sa works nila kaya nga palagi nalang ako nagbabasa ng libro at nanunuod ng mga movies. Mukha naman siyang mabait, hindi naman siguro masamang makipagkaibigan aakin at para may makalaro narin ako.
"Friends?"-siya at iniabot niya sakin ang kamay niya
" Friends!"- ako at nakipgshke hnds ako sknya
"Sige magpahinga ka muna kita nalang tayo bukas Hana."-siya at hinatid niya na ako sa bahay.
**
"Ang galing mo namang sumipa ng bola!"-puri ko sakanya nndto kasi kami sa soccer field nila, oo nila, coach kasi ng soccer ang daddy niya kaya tinuturuan siya para sumunod sa yapak niya. Kahit saan nga kami magpunta palagi niyang hawak ung bola niya. Sabay nila puro about soccer nlng ang makikita mo pati ung papanuorin niya at yung lalaruin niyang video game. Favorite sport niya talaga.
"Haha... Salamat... Tinuturuan kasi ako ng daddy ko"-siya
Palagi na kaming magkasama, naglalaro palagi. super close na nga kami eii. Pati parents namin close narin kasi same bussiness lang pala sila.
Pero hindi ko maiwasang masaktan. Kinailangab naming pumunta sa America para ayusin ang kumpanya namin doon. Nagstay kami dun ng tatlong taon. Doon ko ipinagpatuloy ang pag-aaral ko. Masakit kasi bigla nalang kami nagkahiwalay, hindi manlang ako nakapagpaalam sakanya. Biglaan kasi ang pagpunta namin dito at hindi ko aakalain na ganito kami katagal magsstay dito. Ibig sabhin matagal ko pa syng hndi makikita. Hayy, miss ko na siya, miss ko na yung paglalaro namin, pagkwekwentuhan at pamamasyal. Pagbalik ko kaya makikilala niya pa ba ako? Maaalala niya pa ba ako?