Hoy Panget!

297 11 6
                                    

"Hoy Panget!" AllrightsReserved ©May 2014

No Plagiarizing! :))

♥ liaaahbeyb

———

"Hoy Panget!" sabi ni Richard at binato pa ako ng eraser at sapul!—ako sa ulo. Wengya naman oh. (ー'´ー)

"Ano bang problema mong Hayop ka?!" nanggagalaiti kong tanong sa kanya at pinulot yung eraser na tinapon nya sa'kin kanina.

"Di pa ba halata? Edi yang mukha mo!" sabi nya habang tumatawa.

"G*go! Wag nga yung mukha ko ang pagdeskitahan mo!" sigaw ko at tinapon sa kanya yung eraser na tinapon nya rin sa'kin kanina.

"Bakit? Nakakatawa kasi yang mukha mo kaya di ko na kailangang magpakahirap na humanap ng nakakatawang bagay jan sa tabi-tabi. Mukha mo pa lang kasi, Nakakatawa na!" sabi nya. At ayan na naman po sya mga kaibigan, (mag-kaibigan ba tayo? -3-) tumatawa na naman sya. Kulang na lang iluwa nya Esophagus nya kakatawa eh. Psh.

"Mabilaukan ka sana..." sabi ko at lumabas na ng classroom.

———

"Czarina!" tawag sa'kin ni Shanley. Pinsan/Classmate/Bestfriend ko.

"Oh bakit? anong problema mo at mukhang taeng-tae ka?" tanong ko at ibinaling muli ang tingin sa Aklat na binabasa ko.

"Ay? Ganern? Ano kasi, next week, may activity daw na magaganap sa school." sabi nya habang hinahabol nya ang hininga nya. Mukha kasing ang layo ng itinakbo nya, ma-istorbo lang ako.

"Oh. Anong meron dun?" walang gana kong tanong.

"Tanga! kasali tayo sa SSG officers diba? Kaya kailangan tayo dun! Mas lalo ka na, na Treasurer!" at binatukan pa ako. ( ̄ε ̄)

"Maka tanga wagas? Sorry ha? Busy lang kasi ang Dyosang tulad ko. Ano bang meron at Kailangan talaga ang Treasurer? Yung President na lang." sabi ko at pinagpatuloy ang pag-babasa ng libro.

"Si Richard nga nag-organize ne'to eh." sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Ano na namang kalokohan ang naisip ng g*gong 'yun, Aber?" tanong ko.

"Di ko nga rin alam eh. Syempre, pumayag yung bakla na'ting Principal, Sa gwapo ba naman ni Richard? Nako! talagang papayag 'yun. Bakla eh." sabi nya at nangalumbaba.

"Takte. Gwapo? Dapak! Asan dun?" tanong ko at isinara ang librong binabasa ko.

"Nako! Ang lola! crush na crush mo nga 'yun dati eh." Tama si Shanley. crush na crush ko si Richard. Pero as she've said, dati yun. D-A-T-I.

"Dati po 'yun." pagtatama ko.

"Dati…na pwede ring bumalik ngayon." sabi nya at ngumiti ng nakaka-asar.

"Wala nang dapat na bumalik pa, Shanley." sabi ko.

"Sabi mo eh." at nag-kibit balikat na lang sya.

"Nga pala, Sabi ni Principal kanina na tulungan mo daw si Richard." pagiiba nya ng topic habang tinitignan yung librong nakapatong sa table dito sa Library. Pagkatapos kasi ng wengyang eksena na ginawa nung langyang yun, dumiretso na lang ako dito.

"Whaaaaat?! Are you kidding me?! Hell, no!" singhal ko.

"Shhhh. Silent please." sita ng Librarian sa'min.

"Maka-react? Chill ka lang te. Wala kang magagawa. Utos yung ni Beki Principal eh. At, wag ka ngang maingay."

Nako naman! Dapat yung Secretary, or yung Vice President ang kasama ng ugok na 'yun eh! >.<

Hoy Panget!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon