My Star 3

297 13 2
                                    

“Fake friends are like shadows: always near you at your brightest moments, but nowhere to be seen at your darkest hour

True friends are like stars, you don't always see them but they are always there.”

(From the Personal Journal of Samuelle  Mallare)

Aircrash.

Plane crash accident.

No survivor found.

All passengers were presumed dead.

Eto ang mga salitang kahit kailan ay hindi inaasan o sumagi man lang sa isip ni Samy on the eve of her birthday. 20minutes before midnight and she’s officially 15 years old.

Nasa rooftop siya ng isang sikat na hotel sa Makati at hinihintay sa helipad ng nasabing building ang helicopter na maghahatid sa kanya sa site ng birthday party niya nang biglang dumating ang family attorney nila bearing her worst nightmare.

“Sam, we have to go.” Aya ng Ninong niya na siya ding attorney nila pero hindi siya makagalaw sa tinatayuan niya habang hinahampas siya ng malakas na hangin ng paparating na helicopter.

My parents were dead?

They were dead?

Dead..

Dead..

Dead..

“No, Ninong. They are alive. Buhay sila Mama at Papa.” Hindi na niya napigilan ang mga luha niya habang nakatitig sa naawang mata ng Ninong.

Nagbibiro lang ito di ba?

“Dadating sila for my birthday. They promised. Nangako po silang uuwi for me.”

“Oh, Sam. Come here, Baby girl. Let’s take you back home.” At parang siyang zombie na sumunod sa pagaalalay ng Ninong, hindi din niya pansin ang mga naawa at maluha-luhang tingin ng mga kasambahay, at manhid din siya sa mga yakap ng mga malalapit ng kakilala ng pamilya nila.

Blanko ang utak niya habang bumibyahe sila pabalik sa mansion pero naririnig niyang may kausap ang Ninong sa phone.

“Yes, it’s an emergency. Cancel everything. Send the children back to their homes and explain everything to their parents. Yes, that’s fine for me. Good. Okay. Cancel it.”

No.. they are not dead.

It’s just a mistake. Delayed lang ang plane flight nila.

This is just a bad, bad dream. A nightmare. Hindi ito totoo.

She was momentarily blinded by several flash of camera sa direction niya habang pababa siya ng sasakyan and saw through hazy eyes ang mga reporters na nagkukumpulan sa harap ng bahay nila.

Paano nakalampasang mga ito sa mataas nilang gate? Hindi niya alam at hindi kaya ng isip niyang mag-isip pa ng sagot pero she’s not ready to face the media. Not yet, not ever.

Hindi ganoon kayaman or ka-influential ang pamilya Mallare sa Pilipinas but abroad kilala ang mga Mallare dahil sa mga organization na suportado ng pamilya nila like Humane Societies at WHO na focus on cancer research.

Pero dahil sa nangyaring aksidente naungkat ang mga information about sa pamilya nila kaya out of curiosity ay dinumog ngayon ng media ang place nila, looking for a scoop and news.

“Ninong.” Nagmamakaawa niyang nasambit habang mabilis siyang pumasok pabalik sa kotse. Nagpapanic na siya.

Mabilis na kumilos ang Ninong niya at mga tauhan nito, at soon enough she was safely behind closed doors ng mansion nila.

My Falling Star (Tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon