Chapter two

34 0 0
                                    

"friend, una na ako sayo.. kaya natin ito!" excited na sabi sa kanya ng kaibigan. kasalukuyan silang nasa school. first day kasi nila.. hindi sila magkaklase ni claudette. pero nasa katapat na building lang ito..

"okay!. you too. goodluck sating dalawa" masaya nyang sagot dito at nakipag beso beso na sya sa kaibigan.

agad na nyang hinanap ang kanyang room. una sumakay sya sa elevator dahil sa first floor,halos lahat ng locker room ay nadoon. walang classroom dun.. nasa second floor pa ang classroom nya. nasa section B sya napa bilang.

habang nasa elevator, may humabol pa na lalake na sumakay dito. at agad pinindot ang 2.. hindi nya masayadong nakita ang mukha ng lalake dahil inaayos nya ang neck tie nya.. biglang nakita nyang may naapakan itong isang puting panyo. akala nya sa lalake yun kaya nag tangka syang kausapin ito.

"ah,excuse me.. nahulog mo yata yung handkerchief mo".  mahinhin nyang sabi dito..

hindi man lang sya tinapunan ng tingin ng lalake.kaya kinalabit nya ito.

"hi, ang sabi ko nahulog mo...." hindi nya na naituloy ang sasabihin ng nagsalita ito.

"if that's your way to caught my attention lady, sorry.. wrong move. im not interested.. " supalado nitong sagot na hindi pa din sya tinitignan.

sa kabiglaan, naningkit ang medyo singkit nyang mga mata sa inasal sa kanya ng lalake. sasagutin na sana nya ito kaso bigla namang nag bukas na ang pinto ng elevator at agad itong umalis sa harap nya.

"oh holy crop! ano sa palagay nya? ako? may gusto sa kanya?ang-ang kapal ng mukha!"  inis na inis na sabi sa sarili habang naglalakad. sinundan nya ito ng tingin at lumiko ito sa isang pasilyo.

"lokong yun! napaka feeler! hays! inhale-exhale!  napaka feeler talaga. nasan na ba ang room ko?"

hinanap nya ang kanyang classroom at agad din itong nakita. agad syang pumasok at namili ng mauupuan.. doon sya pumwesto sa katabing glass window malapit sa pinto. medyo nasa unahan sya kasi medyo malabo na ang mata nya. kaya balak nyang ipatingin ang kanyang mga mata pag nagkaroon sya ng free time.

"hi!" bati sa kanya ng isang magandang babae.

tinignan nya ito. mukhang mabait naman at friendly.

agad nya itong ginantihan ng ngiti.

"hi din"

" well, as you can see, seatmate tayo.. so i hope magkasundo tayo.." naka ngiti nitong sabi sa kanya.

magaan ang pakiramdam nya dito. marahil dahil na sesense nyang mabait din ito. maputi ito at iba ang ganda. mukhang may lahi ito katulad nya.

'mind if i ask you something?" tanong nya dito.

"sure! basta kaya kong sagutin.."

"may lahi ka ba?" maikli nyang tanong dito.

"yep! why did you ask?"

"hmm.. nothing..its just that nahalata ko lang. " maikli nyang tugon dito.

napangiti ito sa sinagot nya..

"well, my father is a filipino while my mother is a canadian.."

"really? wow! pero ang ganda ng kinalabasan ha!" natatawa nyang sambit dito.

at natawa na din ang kausap.

"ako nga pala si Hanna. Hanna Do. ikaw?" pakilala nya dito.

" my name is glory. glo for short. ewan ko ba bakit sa dinami dami ng pangalan yan ang nagustuhan ng aking ina."

Loved by a HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon