Unseen

27 0 0
                                    

You may think my story is cliche if I tell you I'm in love with my bestfriend.

Pero hindi ako, hindi ang desisyon ko para sa feelings ko.

Nakapangalumbaba at natutulog si Trevor, habang ako pinipilit ang sarili kong makinig sa physics teacher namin na parati akong pinagiinitan. Kung matutulog ako, ako ang papansinin niyan. Crush nga ata ako niyan eh, haha loljk iw. Buti pa to si Trevor, kahit nasa harap, kahit natutulog okay lang. Palibhasa matalino.

Luminga linga ako sa gilid, aba tulog din si Eulyzia, ayos talaga makaninja moves to, nakaharang ang bangs niya sa mga mata niyang pikit at nakapangalumbaba siya na parang tutok na tutok sa teacher.

Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi antukin ngunit ako ay hindi nagwagi. I fell asleep.

"Aniya, lowbatt ka na naman. Puyat ka siguro parati noh?" sabi ng teacher ko

Sabi ko na at ako nanaman ang center of attraction. Tumawa ang lahat, ngumiti nalang ako at nagsorry sa kanya.

Langyang Trevor to, nagising at nakitawa. Psh, hambalusin kita mamaya magantay ka.

"Tulog kasi ng tulog eh" bulong ni Jerry ang katabi kong negro at epal pero ewan ko ba kung bakit kasundo ko yan at mahal na mahal ko yan haha. Siguro nga birds with the same feather flocks together.

Natapos ang dalawang period namin sa Physics and lahat kami napaubob sa table namin at natulog. Nakakapagod kayang makinig sa gurang na yun, wala akong maintindihan. Ewan ko ba, pagdating talaga sa teacher na to tsk.

Nahihimbing na ang tulog ko nang may nangotong sakin. "ARAY!" sigaw ko na nakalikom.ng atensiyon ng mga kaklase ko. Nagpeace sign na lang ako.

"Demonyo ka ba o tao, hindi kita ginigising pag natutulog ka. Umayos ka Trevor" sabi ko at hinawakan ang parte na hinampas niya

"Ganun talaga, pogi ako eh" sabi niya

"Kapal ng mukha mo, minsan subukan mong manalamin ah?" sabi ko kahit ang totoo ay gwapong gwapo ako sa kanya

Lakas kaya ng tama ko sa kanya, kung alam niya lang talaga.

"Sakit mo naman magsalita" sabi niya tapos umarte pang nasasaktan

Hinanap ko ang panyo na kanina ay nakapatong sa bag kong nakasabit. Hmm.. kilala ko na ang kumuha nito.

"Panyo ko?" inilayag ko ang kamay ko at itinaas ang isang kilay upang hingin sa kanya ang panyo ko kahit ang totoo gustong gusto ko ang kinukuha niya ang panyo ko. Parang nagkakaroon ng bahid niya.

Yuck nakakadiri ako.

"Tsk. Lakas makaramdam ah" sabi niya at isinuko ang panyo ko

"Bat ka ba nandito may kwento ka nanaman noh?" tanong ko

Itinaas taas niya ang kilay niya. Sabi na nga ba't may ikekwento to eh.

"Kilala mo ba si Carmen? Iyong taga section 3?" tanong niya sakin

Tumango ako "Ano nilalandi mo nanaman" hula ko

"Grabe ka naman. Seryoso ako dito" sabi niya

"Eh pano si Claire? Eh diba crush niyo isa't isa?" tanong ko

"Crush lang yun, Aniya, eto gusto ko to eh" sabi niya

"Ge sabi mo eh" sabi ko at umubob nalang muli sa upuan ko kaso recess na pala, kaya ayun lumabas na kami ng classroom

Bestfriend ko si Trevor pero hindi kami sabay magrecess at lunch, ewan ko. Di namin trip eh.

"Ayos ka makaninja moves kanina ah" sabi ko kay Eulyzia

UnseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon