Sa mga Nangiwan at Mangiiwan palang..
Para sa inyo ito.
_________________
Alin ka dyan sa dalawa?
O wala, kasi Ikaw yung iniwan?
Ang sakit hindi ba?
Yung, sya lang yung nagdesisyon para sa inyong dalawa.
Hindi ka manlang nya ni-consider, bago sya magdesisyon.
Hindi nya inisip kung sangayon ka sa hakbang na ginawa nya.
Sa isang relasyon, kadalasan iyan ang problema...
Natapos ang pinagsamahan dahil sa pangiiwan.
Inisip nyo ba kung sasaya kami sa ginawa nyo?
Tapos ano? Sasabihin nyo para sa amin iyon, na kesyo daw ikabubuti namin ito.
Yung totoo? Kelan naging healthy sa kalusugan namin ang kaiiyak at pagiging depress?
Ang hirap kasi sa inyo, iniwan nyo lang ng walang pasabi..
Walang eksplanasyon..
Walang dahilan.
Sa mga iniwan, masakit ang maiwan ng wala manlang sinabi.
Walang paliwanag kung bakit ka iniwan..
Guguluhin ka ng tanong sa isipan mo na 'bakit?'
Bakit? Kapalit-palit ba ako?
Bakit? Nagsawa ka na ba?
Hindi ba't ang daming tanong na gumugulo sa isipan mo?
Hindi mo alam kung saan ka nagkulang..
Saan ka nagkamali,
Basta ang alam mo lang hindi ka pa sapat para sa kanya.
Bakit mo pa paiibigin, kung iiwan mo rin?
Bakit kapa magpapakahirap na ligawan at suyuin kung sa dulo, iiwan mo rin pala?
Ano 'yon? Pampalipas oras? Libangan?
Ang hirap kasi sa inyo, ginagawa nyo lang laro ang puso namin..
Paiikutin, pag-hilo na bibitawan, natural babagsak yan.
Pero dadating at dadating ang panahon na makakapag-adjust yan at muling tatayo.
Hindi man ngayon, pero sa tamang panahon.
Kaya sa mga nangiwan at nagbabalak na mangiwan,
Sana naman, atleast give them an explanation.
Na kahit sa simpleng eksplanasyon na iyon, naramdaman nilang may halaga pala sila.
Na worth it parin sila para sa explanation.
Sa ganoong paraan, hindi ganun kasakit, hindi ganon kahirap ang mag-move on,
Hindi guguluhin ang isip mo ng mga katanungang 'bakit?'
Pero ang mahalaga parin,
WAG KANG MANGIWAN DAHIL MASAKIT PARIN IYON.
____________________________________
Another hugot para sa inyo.👌
Kung nagtataka po kayo kung saan ko po ito nakukuha?
Ang sagot ko po diyan ay WALA.
Wala po akong lablayf. Sadyang naimpluwensyahan lang po ako ng mga kaklase kong hugot ng hugot.😂
Yon lang po. Maraming salamat sa nagbasa.👋
Lovelots💞
ImaAvantika💕