Fall For Me

10 0 0
                                    

PROLOGUE

Naranasan mo na ba magkaroon ng CRUSH?

Tapos simula sa CRUSH nadevelop sa LOVE sa di mo malamang dahilan.

Malamang oo diba lahat naman tayo eh!

Pero diba masarap pag yung Crush mo ay may Gusto din sayo. Kaso paano kung hindi? Ano ang gagawin mo? Hanggang saan ang gagawin mo para mapasayo ang taong gusto mo? Paano mo siya mapapaibig kung kahit nga halos araw araw kayo nagkikita ay tila hindi ka naman nag eexist sakanya? Ipupush mo pa ba kahit ilang beses ka na masaktan? O titigil ka na lang at tatanggapin na baka nga di kayo MEANT TO BE. Paano nga ba?

Ako, aakitin ko siya ano kaya tututukan ko siya ng shotgun para pumayag. HAHA xD Pero Joke lang yun. (^_^)v

Gagawin ko ang lahat magustuhan nya lang ako. And yeah! I'm fucking serious with that. At yun ang plano ko ngayon! :) Ang maging boyfriend ang nag iisang Jin Garett Silva

Cassey's POV

"Ma alis na po ako late na ako eh." sigaw ko habang nagmamadali lumabas ng gate.

Shit late na ako sana wala pang Prof kundi nakakahiya naman. Haixt! Tinakbo ko na simula gate hanggang sa main building kasi naman 7:50am na eh 8am ang klase ko. Pero buti at umabot ako! "Phew!!! Buti wala pang prof." bulong ko sa sarili.

"Oy Cassey hingal kabayo ka dyan! Akala ko first day na first day di ka papasok eh." andito na pala si Trish yung bestfriend ko simula nag college.

"Tinanghali ako ng gising eh. Napuyat ako sa kakaisip kung paano ko i'aaproach si Jin my loves ko. Alam mo na napagisip isip ko na magtapat na sakanya bago pa mahuli ang lahat."

"Hay nako patay na patay ka talaga dyan sa Jin na yan eh muka namang di ka uubra dun eh. Ang mysterious kaya nun, quiet type at nuknukan ng suplado!"

"Manalig ka lang bakla aarok yan!"

"Bahala ka bakla basta hwag ka mag iiiyak dyan pag binasted ka."

Wow ha ang supportive naman ng bestfriend ko. HMP!! Andito na pala yung prof at Fvck andito na din si Jin my loves. Owwwmegadddd ang HOT nya! (*_*) Mamamatay ba ata ako. Shit nakakaloka ang kagwapuhan nya! Papa God patawarin nyo po ako kung pinagnanasahan ko ang tao na nasa harapan ko.

"Bakla laway mo!"

"Pakyu ka makinig ka na nga lang." teka tumingin ba sya dito? Naku nakakahiya siguro napansin nyang kanina ko pa sya tinititigan. Ok hwag ka muna pahalata Cassey baka masira ang plano mo!

Whooooo!!! This is it mamayang uwian sasabihin ko na. Aja!

JIN IS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon