PUSONG SAWI
Maraming beses na akong nabigo,
Kinaya kong bumangon at magbago.
Pinilit ang sarili na bumawi,
Yan ang sinabi ng pusong sawi.
Nang nakilala kita sa buhay ko,
Akala ko'y ang puso ko'y pinako.
Nasaktan ang puso ko sa piling mo,
Pag-ibig lamang ang sinasamo.
Inibig ng lubusan, bakit ganito ang kinahantungan?
Sakit ang pinaranas, sakit ang kinahinatnan.
O pag-ibig, anong dinulot mo ?
Kasawian ang sinapit, lumuha ang puso ko.