Crazy little thing (One Shot)

49 2 4
                                    

"Mira! Si Tyron parating!" sigaw ng kaibigan kong si Tere. Crush ko kasi si Tyron matagal na pero di pa din nya ko napapansin. Haay. Varsity player sya kaya malamang sa malamang madami magkakagusto sa kanya kayalang ang angas eh. Badboy style sya. kala mo siga kung maglakad. minsan lang din sya makasama ng babae dito sa school kasi puro kaibigan nya kasama nya at isa na dun ang pinsan ko

"DALIAN MO! ANO?! PA BEBE KA PA JAN?!!" -_-

"Ayoko ng lumabas! bahala syang dumaa--" sht!! Dumaan sya at nginitian nya ako!! Oh my ghaaad! OMG!! PERSTAYM!! pwede na kong himatayin!!

"ARAY! ARAY! ANO BA TERE!" sigaw ko kay tere na hinambalos ako at pinitik sa noo. asar talaga to!

"ALAM MO BANG KASAMA NYA SI ALI HA?!" bulyaw nya sakin na ikinatayo ko mula sa prente kong pagkakatayo. dafaq bakit nya kasama yung babaeng yun!

"HU WHAT?!!"

"HU WHAT! HU WHAT ka jan! what what in kita eh! ano? Nga nga nalang jan? Alam mo.. maganda ka naman eh. kilala ka din dito sa school madami ka ding friends.."

"Oh? ano namang kinalaman ng mga yan ka Ali? ha?!"

"Wala!" -_-

"Lumayas ka na nga!"

"Pero mira. Suportado ka namin! umamin ka na sakanya!! Bahala ka ikaw rin! wala namang mawawala kung aamin kang may gusto ka sakanya eh. feel ko nga halata na nya."

"Merong mawawala" seryosong sabi ko

"Oh? ano naman yun?" sabat naman ni Marga ang kaibigan ko na bestfriend ni tyron.

"Yung pride ko mga mare! pano kung reject? pano kung pagtawanan ako? pano kung pagpustahan ako? pano kung-- Aray naman!" sinapak ako ni marga.

"Ang nega mo mare! Sabihin ko ty yun eh! ano?" marga

"Sige! sabihin mo! di na kita papansin forevs! Sumbong pa kita kay Aj!" sabi ko

"Ay nako! tara na! nag hihintay na sila kara dun!" singit ni tere

"Mauuna na ko ha! may pupuntahan pa ko." paalam ko. kasi bukod sa mga kaibigan ko, may iba pa kong kaibigan.

Sinundo ko si Dana sa room nila at nag simula ng umalis. kinwento ko din ang nangyari kanina about kay tyron at ang gaga mas kinilig pa sakin.

"OH MY GOSH MIRACLE! SI TYRON NAKATINGIN!"

nanlaki nga mata ko nung nakita ko sya. WAIT!! sila pala ng mga kaibigan nya na nakitingin. ano to?

"RUIZ!" sigaw nung kevin sa apilyedo ko. anong problema nito?! hindi ko nalang sya pinansin at sa huli sumulyap ako kay tyron at muntik na kong mapatalon nung nakatingin pala sya sakin. KINIKILIG AKO!!

"tara na. dalian mo" sabi ko kay dana na nagpapa cute pa sa mga kaibigan ni tyron

Nakahinga naman ako ng maluwag nung nadaananan namin sila.

"Friend! naka tingin sya sa sayo hanggang sa malagpasan natin sila! record breaking! Emeged!!"

"Che! tumigil ka nga! tara na"

6months ko ng crush si tyron pero hanggang tingin lang ako sa kanya. hanggang simpleng sulyap pero masaya na ko dun as long as walang ibang babae akong nakikitang kasama nya except syempre kay marga at kila kin.

Alam nyo yung nagka gusto ka ng hindi man kang alam kung ano nagustuhan mo sa taong yun? Ganon yung pakiramdaman ko eh. Matagal ko na syang kilala kaibigan pa nga sya ng pinsan ko diba? pero wala pa kong gusto sakanya nun until one day bigla nalang BOOOM! bigla nalang akong nagkagusto sa hindi malamang dahilan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy little thing (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon