Cinderella's POV
Hellow! Ako si Cinderella Johnsons... Ganda ng pangalan ko diba? Hihi ewan ko ba sa Mommy ko at ganyan ang pangalan ko 20 years old na ako at 3rd year College na ako at kamalas-malasan ay naabutan pa ng K-12 -_-.... Okay simulan na natin ang kwento
Nandito ako sa kwarto ko ngayon at nagbabasa ng Story book na pinamagatang Cinderella.... Nahilig na din ako sa mga Disney Princess dahil dun ako sinanay nila mommy... At hindi ako maniniwala sa Prinsipe hangga't hindi pa ako nakakakita
Hinaplos ko ang libro at halos maihagis kona ang Libro dahil sa Gulat
Bakit nagliwanag iyon?
Kinilabutan ako sa nakita ko kaya dali-dali kong inilagay ang libro sa Malaki kong Cabinet
"Bakit kaya lumiwanag iyon?" Tanong ko sa sarili ko "nakakapangilabot naman" sabi ko at hinaplos haplos ang mga braso ko na nagtataasan na ang mga balahibo
Halos mapatalon ako sa Gulat ng biglang bumukas ang pinto
"NakanangChuchu! Ginulat mo naman ako Blaire!" Singhal ko sa kapatid ko
"Bakit ano bang ginagawa mo at nagulat kita?" Aba! Bastos na bata toh ah! Hindi man lang gumagalang sa Maganda nyang ate
"Wala baket?" Inosente kong sabi
"Weh? Talaga? Baka naman itinatago mo lang yung Boyfriend mo dito?" May mapanglokong tingin na sabi nya
"What?! Boyfriend? Like Duh!" Sabi ko at inirapan sya "Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay
"Bakit? Masama? Pinapatawag ka nila Mommy" sabi nya at saka nagdere-deretso palabas
Ano na naman kaya yun?
Inayos ko muna ang buhok kong nakabuyangyang lang sa mukha ko at saka bumaba... Nakita ko namang may mga maletang nandun
"San punta Mhie?" Takang tanong ko... Napatngin naman ako Kay Blaire na ngayon ay bihis na bihis na rin
"Aalis na muna kami drella" sabi ni Mommy na ngayon ay may nilalagay sa Maleta
"Huh? Lalayasan nyo ba ako?" Tanong ko
"Hahaha... Hindi drella pupunta lang muna kami sa Probinsya at tutulungan dun ang lola mo dahil bakasyon nyo naman ngayon... Hindi na kita isasama dahil alam kong ayaw mo naman dun" sabi ni mommy kaya napatango-tango nalang ako
"So... Ikaw na bahala dito ah? Naka Day Off lahat ng maid natin ng 2 months habang wala pa kami"
"What?!" Di makapaniwalang tanong ko
"Maging Indipendent kan muna in 2 months Drella hindi pwede lahat ay iaasa nalang sa iba" pangangarao ni Mommy
"Okay Fine! Pero 2 months lang dapat" paninigurado ko tumango naman sya
"Bye Drella... Mag-iingat ka dito" sabi ni mommy at hinalikan ako sa pisngi...
"Okay po mommy... Mag-iingat din po kayo" sabi ko at humalik din sakanila
Nagpaalala lang si Momny at saka umalis na din dahil baka malate daw sila sa Flight nila
Nang-maiwan ako mag-isa sa bahay ay nanood lang ako ng mga Movies at Nagcellphone
"Tssk! Nakakabagit ng mag-isa" sabi ko at inihilig ang ulo ko sa Upuan
Wala akong mayayaya ngayon dahil nasa ibang bansa ang Bestfriend ko at wala naman din akong Ibang Kaibig-----
*Boogsh!*
Napatalon ako sa gulat dahil sa narinig kong parang may bumagsak sa loob ng Kwarto ko.... Kinilabutan naman agad ako
Huhu!! Ako palang namang mag-isa dito! T_T
Agad kong kinuha ang arnis ko at saka dahan dahang umakyat sa Kwarto ko
Nang matapat na ako sa Pinto ng kwarto ko ay mas dumoble ang kabang nararamdaman ko kahit nga ang hawak kong arnis ay umuuga na dahik sa kamay ko
Binuksan ko ng kaunti ang Pinto at inilibot ang paningin ko.... Nakita kong nasa sahig na ang Librong itinago ko sa Cabinet
"Pano naman kaya ito nalunta dito?" Takang tanong ko habang pinupulot iyon at saka muling inilagay sa loob ng Cabinet
"Magandang Araw binibini" sabi ng isang Boses sa likod ko kaya napahiyaw ako!
Myghash! Sino yun?
Sumilip ako sa kinatataguan ko at nakita kong nakatingin sakin ang isang lalaki na nakasuot ng pang.... PRINSIPE? Anong trip netong lalaking toh?
"S-sino ka? Pano ka nakapasok dito sa bahay namin?" Nauutal kong tanong
"Hmm... Hindi ko din alam binibini bigla na lamang ako napunta sa lugar na ito... Nasan ba tayo?" Tanong nya at lumapit sa bintana ko at binuksan iyon "woah! May napakagandang tanawin pala ang makikita dito.... Bakit parang hindi ko yata ito nasisilayan mula sa Palasyo?" Takang sabi nya
Palasyo? Sira naba ulo neto?
"Hoy! Lalaki! Wag ka ngang mag-acting Jan! Magnanakaw ka noh?" Tanong ko at hinawakan ng mabuti ang Arnis ko
"A-acting? Hindi ko alam ang iyong ibig sabihin Binibini" nagtatakang sabi nya
"Tssk! Sino kaba ha?!" Singhal ko sakanya na medyo ikinagulat nya
"Tssk.. Diko alam na meron palang ganitong babae" sabi nya habang iiling-iling pa
"Sino ka sabi?!!" Sigaw ko
"Ako si prinsipe George mula sa Kaharian ng Evans Binibini... " sagot nya at nag-bow pa
Prinsipe George? Kaharian ng Evans? Parang nakita kona yun ah?
Dali dali akong pumunta sa Cabinet at Kinuha ang Libro doon... Tinignan ko kung anong Kaharian namamalagi ang Prinsipe at kung sino ito
Prinsipe George mula sa kaharian ng Evans......
-------------------------------------
To Be Continue
YOU ARE READING
The Prince From The Book (On-going)
FantasyAng mga prinsipe ay sa Libro o sa mga Palabas lang natin makikita ngunit.... Posible din kayang magkaroon ka ng sarili mong Prinsipe na nanggaling sa ibang panahon?