chapter:1 i'm what?

8 0 5
                                    

WARNING: THIS STORY CONTAINS WRONG GRAMMARS AND SPELLINGS. JUST GO WITH THE FLOW ^_^ THANK YOU! – author <3

      —><—><—><—><—><—><—

"Babe, come back. Please." napailing na lang ako at kumuha ulit ng boy bawang na nasa katabi ko.

"Tsk, naging tayo ba?" sagot ng ex ko.

Yup! That bastard is my ex. Ang pinakamayabang, matapobre, arogante, at playboy na nakilala ko. Ang hampaslupang iyan ang nagiwan ng peklat sa mumunti kong puso.

Nakakadiri mang sabihin, minahal ko rin naman ang ulupong na iyan kahit papano. Mahal na mahal. Sad to say, he's my first love and my first heart brake too. Jusko! Yung panahong iniwan ako niyan dahil lang sa nabored siya. Oo! Nabored siya. Ang gandang dahilan diba? Note the sarcasm please.

Ang kupal na iyan ay iniyakan ko ng higit dalawang buwan. Buti na lang sinampal sa akin ng katotohanan na hindi pala worth it ang ulupong na iyon iyakan. Tsk, namoblema pa ako nun dahil sa itsura ko. Para akong nabuhay na zombie sa walking dead dahil sa mukha ko, in short ang panget ko!

"Adrian, babe. Please. Come back to me. I need you back." halos lumuhod na si ateng girl kay Adrian. Gosh! Kawawa naman si ateng. Nabiktima ng isang heart murderer.

"I don't even know you tapos lalapit lapit ka sa akin na parang close tayo." nandidiring wika ng kupal.

Ang yabang talaga nito! Porket napaulanan lang ng katiting na kagwapuhan ng maykapal lumaki na ang ulo. Sige na nga, seryosong usapan. Ang totoo, may sakit parin akong nafefeel. Hindi naman agad yun mawawala eh.

"P-pero, Adrian-"

Tumayo siya at tinuro ang labasan ng canteen. "Can you please. Please, go out. I hate seeing your face here."

"Adrian-"

"I said get out." sigaw niya. Walang ibang nagawa si ate girl kundi umiiyak na lumabas.

Nakapalumbaba lang akong nakatingin sa kanila. What a scene!

"Ano girl? Tulala forever?" napalingon ako kay bakla at inirapan ito.

"Ayy! Ano te? Hindi pa nakaka move on? Gosh! 5 months na ang nakalipas hindi mo parin nakakalimutan ang damuho na iyon?" naghehesterical niyang sabi. Tinawanan naman siya ni Sopia.

"Huy! Juan. Tumahik ka nga. Ang daldal nitong baklang ito."

"Its Juana not Juan. Eww!"

Tinitigan ko silang dalawa. Pogi ito si Juan eh. Kaso pinili lang maging maganda. Ito namang si Sopia maganda kaso walang pakealam sa sarili. Parehas lang kami.

"Alam niyo, bagay kayo." wika ko at tinitigan ulit sila. Sabay naman sila ngumawa.

"Yuck ka naman Chan. Hindi ako papatol sa unggoy na nag m-make up. Kadiri lang." nandidiring sabi ni Sopia at inirapan ako.

"Wow! Ikinaganda mo yang panglalait mo. Matanong nga kita. Maganda ka ba? Kitams, kahit ikaw hindi mo masagot. Mas maganda pa ako sayo at if ever na magturn ako into a handsome prince hindi ako papatol sa isang posteng nakasuot ng skirt." ganting lait nito.

See? Ganyan sila maglambingan. Ang sweet!

"Hoy! Anong posteng nakasuot ng skirt? Eh, ikaw nga eh. Gorilla na may blush on. Nakakadiri." ganti nito.

"Gorilla? Really? Kesa naman sa pusa na patay gutom." ganti naman ng bakla.

"A-ang kapal ng mukha nito. Parang ikaw hindi patay gutom. Eh, nauubos mo nga yung isang kalderong kanin namin pag sa bahay ka nakain and take note, diet ka pa nun. Ano? Patay gutom pala ah." sigaw ni Sopia.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Jerk is MineWhere stories live. Discover now